20: A PARTY A DAY, KEEPS THE BEAST AWAY

25 2 2
                                    

PRIV THE MARUPOK GAL

Kanina pa nag-start ang Welcome Home Party ni Tyv, mga 1 minute ago— jangnaniya! Mga... Ewan ko basta kanina pa nag-start! Hindi ko naman kailangang orasan 'yon. Basta, sa ngayon kung saan saan siya napu-punta para ma-entertain 'yong mga buwisita— este mga bisita niya samantalang si Quiz ang pirming kasama namin kasi tinatamad daw siyang maki-halubilo.

Ang daming taooo! Mahigit kumulang nasa 300 siguro kami rito. Maya't maya may dumarating eh! Havey! Gano'n ba karami ang kaibigan ni Tyv o 80-90% ng population ng mga nag-paparty, unwanted at hindi invited? Ang daming boys pero good girl muna ako, may Kladze pa ako 'no! Ehe!

Buti nalang sobrang laki ng bakuran ng mga Alvisa na halos mag-mukha ng resort. Dalawa kasi ang infinity pools nila. 'Yong isang mas maliit, nasa taas ng nasa harapan namin ngayon na may katabing octagonal jacuzzi. Mayroong paikot na hagdan sa isang gilid kaya puwedeng umakyat doon para makarating sa smaller pool at sa malaking slide na nasa kabilang gilid ng backyard na puwedeng lumanding either sa lower pool o sa upper pool depende kung saan gustong bumagsak ng magpa-padulas. 

"Uy Priv, may napapansin ka ba?" Napalingon ako kay Phyx na sobrang lapit ng mukhang naka-titig sa'kin. Napa-kunot ang noo ko dahil parang may pinagta-taguan siya sa paraan ng pag-tingin niya.

'Yong mga kaibigan naman naming kasama namin dito sa table, panay ang inuman, asaran, hiyawan, murahan at lamunan kaya basically, mukha kaming tangang nagbu-bulungan ng isang 'to. Haaay!

"Napapansing ano? Na maganda ako? Alam ko na 'yon besh, since pre-fetus." Inosente-kunong tanong ko kaya naka-ngusong sinimangutan niya ako at hinampas nang mahina sa braso na nagpa-ngisi sa'kin.

"Ani, pabo!" Lang'yang 'to, sinabihan akong stupid porket mas matalino nang .01%! Kagatin ko 'to sa ngala ngala eh! 

"Tse! Ano ba kasi 'yon? Maka-asta ka riyan para kang may pinagta-taguang gaga ka! Umamin ka nga, wanted ka 'ba? Su-sumbong kita kay Zevitch! Tamang tama, I'm sure, nandoon lang siya sa lungga niya ngayon." Pang-aasar ko, dahilan para bahagya niyang palobohin ang pisngi niya saka ngumuso. Isip bata talaga kahit kailan ang loka!

"Naman ehhh! Seryoso na kasi!" Pagma-maktol niya kaya bumungisngis ako. Fine!

"Parang shunga naman kasi, hindi nalang diretsohin! Ano ba 'yon, girl? Mukha kang constipated na ipis diyan kaya go! Speak!" 

Medyo namula siya samantalang humaba naman ang nguso niya. Ay ang bakla, may kalandiang gustong ipahayag! Okay, spill it to momma!

"Eh 'yong isang lalaki sa kabilang table kasing may itsura, panay ang ngiti sa'kin. 'Yong naka brush-up tapos naka topless na naka-shades kahit gabing gabi? Hindi naman siya mukhang creepy or whatsoever, ilang beses ko na rin siyang nakikita sa school at gano'n din ang ginagawa niya pero he seems harmless." Oh 'aight, I see. He likes my friend then?

"Your point is? Bet mo?" Diretsahang tanong ko, I'm not a fan of beating around the bush 'coz it's senseless and will get you nowhere. 

"Slight crush?" Mas lalo siyang namula. Hala, Zevitch, 'yong Cancer mo oh kumekereng! Dalagingding na!

"Girl, 'yang tataa? Hindi mo pa siya nakaka-usap ever at hindi mo alam name niya 'no?" Pinandilatan ko siya pero lalo lang siyang ngumuso saka tipid na tumango. Ay grabe!

"Jega eotteoge hamyeon doenayooo?" Ano raw ang puwede niyang gawin kaya muli akong ngumisi. She asked the right gal!

"Simple lang, 'pag nakita mo siya sa school, mag-usap kayo. Don't worry sa kung anong mangyayari kasi marami kaming backup mo lalong lalo na 'yong Sagi mong lukaret! Keri mo 'yan! Learn from the expert." Kinindatan ko siya kaya natawa siya.

Malditang Jejemon (On Going)Where stories live. Discover now