8: POOF! AND THERE!

24 2 0
                                    

VAIGE THE EVER-OPTIMISTIC FRIEND

"Here we are, girls! Welcome to Merry Funfair!" masayang anunsiyo ko pagka-hinto ko ng sasakyan. Tatlong oras din ang biyahe papunta rito.

"Omg! Ang gandaaa!" manghang manghang kumento ng tumatalon na Phyx nang maka-baba kaya natawa ako. Haha! Ang cute niya talaga.

Si Zin naman walang imik, hindi ko alam kung dahil kagigising niya lang o dahil sadyang wala lang siyang masabi. Mukha siyang inosenteng kuting basta 'wag lang siya magalit dahil nagiging matapang na tigre siya 'pag wala siya sa mood. Ngumiti naman ako dahil sa naisip.

"I know! Hahaha! Did you like it?" tanong ko naman sa kanila. Lumingon sa'kin si Phyx na may kumikinang na mata at malawak na bungisngis

"Of course! I love funfairs!" pumapalakpak na sagot niya kaya mas lalo akong natawa.

"How about you, Zin?" baling ko sakan'ya. Humikab at nag-inat muna siya bago blangkong lumingon sa'kin na nagpalaki sa ngiti ko.

"Owkay langs namans." mula sa peripheral vision ko, nakita kong sinimangutan siya ni Phyx

"Alam mo, Sagi, panira ka ng vibes! We're here to have fun and not to spread negativity! Chill ka nga diyan!" sermon nito sa kaibigan kaya natatawa akong umiling. Inirapan naman siya ng kausap

"Hahaha! Tara na sa loob, baka excited na si Zin maglaro kaya hindi na makapag-hintay na makapasok." biro ko naman pero tinarayan lang ako ni Zin. Tinawanan ko lang siya hahaha.

Bumili na kami ng tickets at pumasok kaya mas lalong namangha si Phyx sa mga nakita. Natuwa naman ako kasi halata namang nagustuhan nila 'yong surpresa kong dalhin sila rito sa perya kahit na magkaiba sila ng reaksiyon.

No'ng una ko silang makita, from what I've observed, they're quite the opposite in terms of their personalities but both of them like to play especially Zin. Based on her crane and basketball skills, I can say na marami siyang alam laruin and she takes them seriously when playing. For Phyx, I'm not quite sure, though I'm certain na she can enjoy herself whether she's great at those things or not.

Actually, no'ng nakita ko sila sa Arcade Archive, napadaan lang ako no'n and then I saw them. Naagaw kasi ni Phyx ang atensiyon ko dahil ang daldal niya habang kumukuha si Zin ng stuffed toys kaya napalingon ako sa kanila. 

Natawa ako sa excitement ni Phyx habang nanonood sa seryosong pag-laro ng kaibigan niya. Then when I heard Zin answer her question, natawa rin ako 'coz I found her extraordinary from her choice of style to her way of speaking.

With all honesty, I didn't find it annoying, instead, I found it amusing. It was the first time I heard someone speak that way after all. Then I got curious so I decided to stay in the arcades, watch people play and stuff.

Mas na-amaze ako nang makita ko si Zin na mag-shoot kaya nang makita ako ni Phyx na nakangiti habang nanonood sa kaibigan niya, I took the chance to introduce myself to them. 

I knew Zevrin doubted me at first but I'm thankful dahil hindi niya ako inaway nang kausapin ko sila. I'm even more thankful to Phyx for being warm kahit na hindi naman talaga kami magkakakilala. I knew in myself that I had to get close to them. They were both unique in their own ways so I wanted to befriend them. Naisip ko kasing masaya silang kasama kaya laking tuwa ko nang pumayag silang maki-tag ako.

Medyo nanghinayang ako nang umuwi agad si Zin dahil sa kapatid niya pero Phyx kept me company. Ang dami niyang kuwento na may kasama pang actions at reactions kaya panay ang hagalpak ko. Sinabi ko rin ang dahilan kung bakit ako nagpaka-FC sakanila kaya na-touch naman siya at sinabing 'Okay! At dahil diyan, mega friends na tayo!'. 

Malditang Jejemon (On Going)Where stories live. Discover now