CHAPTER 3

109 15 10
                                    

VLEEK's POV

Naglalakad ako papunta sa paunang klase ko—at rinig na rinig ko ang hagikhikan ng iilang studyanteng nadadaanan ko.

Ughh highschool fan girls

"Oh my God girrrrlsss!!! Ang gwapo niya talaga" kinikilig na sambit ng isang dalaga

Agad naman siyang sinaway ng kasama,
" Ssshh! Ano ka ba! Baka marinig ka, pagalitan pa tayo nyan." pabulong niyang saway sa babaeng sa tingin ko'y kaibigan niya

Huminto ako sa harap at kinausap sila
" Wala ba kayong mga pasok? " seryosong tanong ko sa kanila.

"M-meron p-po." Napapayukong sagot nung isa habang nakahawak naman sa braso nito ang kaibigan at bahagyang nakayuko

Tiningnan ko ang suot kong relo at binalik sa kanila ang atensyon.

"Bakit nasa labas pa rin kayo? Oras ng klase hindi ng chismisan kaya magsipasok na kayo." striktong sabi ko sa kanila

Para naman silang natatarantang ewan
"Y-yes s-sir, p-papasok na p-po" saad nito at agad kumaripas ng takbo habang hinihila ang kasama.

Tsk!

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang classroom.  Derederetso akong pumasok at nilapag ang mga gamit sa mesa.

Nilibot ko ang paningin sa buong classroom at pansin ko ang pananahimik nila habang naka tingin sa harapan.

I cleared my throat before speaking
" Good morning " maikling bati ko

Tumayo naman ang presidente ng klase bilang paggalang

"Bow" saad nito at sabay-sabay silang nagsiyuko bilang pagbati

Senenyasan ko itong maupo na—na ginawa naman nito kaagad.

"Lahat ba kayo rito ay magkaklase na last year?" tanong ko

"Yes sir."

"Okay then, I'll start the random roll call. Say "I'm here" when your name is called."

" Zerefina Crowne?"

"I'm here!"

"Hillary Damon?"

"I'm here,sir!"

"Atarah Portel?"

"I'm here"

"Ivy Harris?"

"I'm here!"

"Shane Hasler ?"

"Here sir!"

"Effie Velasquez?"

"I'm here!"

"Wynter Velasquez?"

"I'm here po"

"Are you related with each other?" tanong ko sa dalawang Velasquez. Agad naman itong nagsi-tango sa tanong ko.

"She's my cousin, sir." Sagot ni Effie habang iminumuwestra si Wynter.

"Okay. Kacey Monteverde ?"
—pagpapatuloy ko

"I'm here!"

"Savannah Smith ?"

"I'm here!"

"Deign Phyro?"
walang sumagot kaya inulit ko

"Deign Phyro?" pag uulit ko rito habang nakatingin sa kanila.

Luminga-linga naman sila na tila hinahanap din ito.

Metrodome University (On-Hold)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum