PROLOGUE

144 11 13
                                    

Bata pa lamang ay pangarap na ng binatang si Grimm Vaxter Vanderbilt ang maging presidente. Kahit saang establisyemento ay posisyon ng isang presidente talaga ang nais niyang makamit kaya nagsisikap siyang mag-aral upang makamit ang mithiin niyang iyon.

Subalit sa paglipas ng panahon, kahit ano pang gawin niyang pagsisikap ay naisip niyang imposibleng mangyari ang gusto niyang marating dahil sa binatang si Pharexter Theodore o mas kilala sa pangalang Jace.

Si Jace ang laging nangunguna sa klase nila mula paman noong elementarya at pumapangalawa lang palagi si Grimm kaya mas lalo pa siyang nagsikap na halos napapabayaan na niya ang sarili.

Dahil sa pagtutok niya ng husto sa kanyang pag-aaral ay napabayaan at nakalimutan na niyang magpahinga at magsaya kasama ang mga kaibigan na siyang laging nasa tabi niya sa lungkot man o saya.

Susuko na sana siya kung hindi lang dahil sa mga katagang binitawan ni Jace sa kanya noong nagkasalubong sila sa Library.

" Akala mo ba matataasan moko dahil diyan sa ginagawa mo?"
sarkastikong turan ni Jace sa kanya at sinabayan pa ito ng nakakalokong tawa.

"Dream on dude! You will never beat me, ever. Heard that ?" dagdag pa nito.

Nakatungo lamang si Grimm habang iniinsulto siya ni Jace. Tila walang pakialam sa sinasabi nito ngunit tagos sa kalamnan niya ang mga salitang binibitawan ng binata.

"Do you know why you can't beat me ? Because—YOU.ARE.WEAK."
May diing sabi ni Jace kay Grimm at tsaka nilisan nito ang library.

Nag paulit-ulit lamang sa isipan niya ang mga pang-iinsultong natanggap mula sa binatang si Jace.

Metrodome University (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon