Chapter 13-Date with Them Part II

Start from the beginning
                                        

"Baka shampoo na matamis, gusto mo?" natawa naman kami sa pamimilosopo ni Viona pfft.

"Okay 2-0 pfft." lalo naman kaming natawa sa sinabi ni Kenzo.

"Psh, ano namang gagawin ko dyan?" iritang tanong ni Raiden.

"Try mo ipang ligo.. Malamang kakainin.." lalo kaming natawa sa sinagot ni Viona. Sinamaan naman siya ng tingin ni Raiden. "Tss, arte arte. Sasabi-sabihan mo akong matakaw.. Tas pag inalok ka, aayaw ayaw ka naman tss." Inis na sabi ni Reign at inirapang muli si Raiden.

Para silang couple na laging may LQ eh. Pfft. Sabagay, bagay naman sila.

"Ano bang problema mo?" nagulat naman kaming lahat ng biglang hampasin ni Raiden yung lamesa ng malakas.

Napatingin naman samin ang lahat ng taong malapit samin. Asa foodchain nga pala kami. Nilingon ko naman ang mga nakatingin at pasimpleng nag hingi ng paumanhin.

Ngunit mas ikinagulat namin ang mas malakas na hampas ni Viona sa lamesa.

Hindi talaga papatalo ang isang 'to myghad!

"Ikaw ano bang problema mo? Balik na tanong nito kay Raiden.

Nakatingin lang naman kami sa dalwang 'to. Ang cute nilang mag away, para talaga kase silang magjowang may LQ pfft.

"Ikaw ang problema ko! Kanina mo pa ako binabara."

"Tss, pikunin ka pala eh.. Ikaw' 'tong kanina pa namimintas diyan.. Tas ikaw magagalit?"

Napatayo naman si Raiden sa sobrang galit.

"Stop it, nasa harap kayo ng pagkain." galit na sabi ni Yasmin.

"Yung kuya mo kase masyadong childish." sabi ni Viona at nagpatuloy na sa pagkain ng ice cream.

"Ako pa ang childish?" singhal ni Raiden. Walang gustong magpatalo sa kanilang dalwa. "Sino kaya satin ang nanira ng phone ng iba?" balik na sumbat ni Raiden.

Si Reign? Nanira ng phone ng iba?

"At sino kaya satin ang epal na nakikielam sa gulo ng may gulo?" walang ganang sagot ni Reign.

Kami naman, eto nakatingin lang, hindi na kami makarelate sa usapan eh.

"Raiden's Pov"

This girl... Ginagalit niya talaga ako!

Nakakarindi talaga siya, masyado siyang maingay!!

"Ah Viona?" napatingin naman si Viona kay Vienna. "Uuna na ako sa inyo ha? Medyo late na rin eh."

"Sabay-sabay na tayo, tapos na rin naman ako kumain."

..

"Aviona's Pov"

Nandito na kami ngayon sa parking lot ng Mall. Kanina ko pa nararamdamang may nakatingin sakin. Hindi ko lang ito pinapansin.

Pero ngayon ramdam na ramdam ko ang mga tingin nito. Dahil kita ko ito sa peripheral vision ko. Marahas kong nilingon ang likod ko pero wala namang tao.

Nagkibit balikat na lang ako at nag kunwaring di ko sila nahahalata pero ang totoo'y ramdam ko talaga ang presenya ng mga ito.

"Bye guys, it's so nice to be with you Viona. I hope maulit pa 'to" sabi ni Vienna at sumakay na ng car at umalis na.

Sunod sunod naring namaalam ang iba. "Viona, una nako, sasabay ka ba?" tanong sakin ni dallas. Napatingin naman ako kay Kairo na nasa sasakyan na.

Fearless QueenWhere stories live. Discover now