5 - cupcakes

250 12 10
                                    

Alex pov

Present*

Was feeling emo kasi hindi ko pa rin na ko corner si bakla. Sobrang galing magtago hindi effective ang pagiging detective ko sa kanya. Although i have my sources mas gusto ko pa rin na hanapin sya sa normal na paraan para mas intense hehehe. I admit i am crazy like this and so madly crazy for him.

"So tell me what happened"

Tanong naman ni trish, i am here kasi sa resto nya at nagpapa lipas ng oras.

"Gigil na ako sa baklang iyon, hindi ko pa rin nakukuha hangang ngayon"

Inis na sagot ko naman.

"Ilang years mo na bang pinagnanasaan si kevin?"

"Mmm matagal na, highschool palang kami nung una ko syang na discover"

Sagot ko naman then sipped my icetea and looked outside the window.

"Wow discover talaga girl, parang scout manager ka lang ah hahaha"

Sabat at tawa naman nya pero ako naman ay nanatiling naka masid sa labas kasi parang nakita ko si kevin. I swear its kevin.

"I think i just saw kevin, trish babalikan kita mamaya and i will pay okay? Hahabulin ko lang si bakla"

At bigla nlang akong lumabas at sabay takbo kung saan ko nakita si kevin.

Tama si kevin nga. Walang hiya kang bakla ka pinapahirapan mo ako ha.

Sinusundan ko lang si Kevin kung saan sya nag lalakad pero maingat ako na hindi nya ako mapansin, mahirap na at matakbuhan na naman ako ni dyosa diba.

"Hey kevin, i'm so glad at hindi ka pa umalis ng pinas"

Sabay beso naman ng isang malandi na girl sa baby ko grrrrr

"Hi Julz, ah oo nga i'm still here may ina antay pa kasi ako kaya i moved my flight for next month muna"

Ma arteng sagot naman ng baby ko.

"Oh really, that's nice to know at para maka attend ka pa sa party ko next week"

"Oo naman, why not. I'll make an appearance"

Sabay ngiti naman ni kevin kay girl...grrr bawal ngumiti sa iba bawalllll. Inis na ako and this girl is also trying to make landi kay kevin ko.

*****
Past*

"Be sure you'll follow the instructions guys para hindi masunog ang cupcakes na ibi bake ninyo "

Bangit ng teacher namin.

Magka group kami nina raver at kevin, swerte ko diba? But in truth nagmaka awa talaga ako sa dapat na ka grupo nila na si jason buti nalang at napapayag ko sya, sa ganda ko ba naman makaka tangi ba sya sa isang alex alonzo.

"Girl wag tamad tamad help din pag may time kaya"

Pa arteng reklamo naman ni raver sa akin.

"Oo na,im mixing na nga diba"

Sabay kilos ko naman habang ang mga mata ay nasa may door kung saan na andon si kevin at may ka usap na isang girl.

"Pssst raver sino ba yang babae na yan at nilalandi si kevin ko ha?"

Tumingin naman si raver kung saan na andun si kevin.

"Ah thats julz, isa sa mga friends ni kevin sa 2nd section"

Napa irap naman ako sa hangin

"Mukhang close sila ah, at kung makakapit si girl wagas ha,landi lang teh"

Sabi ko naman.

"Oo naman, mag friends kasi parents nila. At ang alam ko ay crush dati ni julz si kevin pero nun nag out na sya ay hindi na ata,but looking at her eh parang she still has a thing for kevin"

Napa alsa naman ang kilay ko

"Oh really, aagawan pa ako ng soulmate ah"

Kaya ang gagawin ko ay lalapitan ko si bakla, para hindi makaka score ng bongang bonga ang mang aagaw na babae.

Tumabi ako ky kevin at hinawakan ang braso nya.

"Babe its your turn na para ilagay ang mga cupcakes sa oven"

Nabigla naman si kevin kasi bigla nga lang akong nagpa ginta sa kanilang dalawa ni julz. Tinanggal naman nya yung kamay ko sa braso nya at tumingin sa akin sabay sabi.

"Babe?ewwwwwww!"

At tumawa naman si mang aagaw na julz. Kala naman nya mahihiya ako, makapal kaya mukha ko hahahha

"Awwww i know you like it when i called you babe kevin or mas gusto mo bang i kiss kita ulit?"

Sabay kindat ko naman sa kanya sabay kagat ng labi ko. Landi lang mga teh.

At nag tatakbo pabalik naman si kevin sa area namin habang tumawa naman si raver and good thing nag disappear na din yung julz na iyon.

Present*

Tuloy lang ang kwentuhan ng dalawa, at sa sobrang selos ko ay pumagitna ako sa kanila at hinawakan si kevin sa may braso nya.

"Babe you are here na pala, did you wait that long for me?"

Tiningnan ko naman ang babae, oh i mean si julz yung lumalandi sa kanya back then.

"Oh nakabalik ka na pala alex, bigla ka na lang nawala nung highschool natin ah"

Ma arteng sabi naman ni julz.

"Yah i am so back, specially for kevin"

Sabay yapos ko naman kay kevin.

"Well, good luck with that. Sige kevin  basta bat pumunta ka ha and you can also bring alex with you. Gotta go"

"Yah sure, i will"

Sagot naman ni kevin at naki sagot nadin ako coz she invited me after all.

"See yah at yah party girl"

Nung maka layo na si julz ay hinarap naman ako ni kevin at tinangal ang kamay ko na naka yapos sa kanya.

"What are you doing here alex?"

"You already know the answer to that kevin. I am here to get you"

Sabay halik naman sa mga labi nya. Pda na kung pda, i dont fuckin care.

......

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Operation: OWN THAT GAYS ♡Where stories live. Discover now