Chapter 8

31 0 0
                                    


Chapter 8

Nagdecide kaming anim na sa Jolibee na lamang kumain bilang lahat kami ay iyong ang ikini-crave. Malapit lang naman ang Jolibee sa school namin, iyong tipong literal na isang tawid lang mula sa gate palabas kaya naman agad kaming nakarating at nakaorder ng mga gusto naming kainin.

"Magbantay na lang 'yung iba ng gamit. Ako na lang oorder," volunteer ni Isaac na hindi ko na ikinagulat dahil madalas at natural na sa kanya ang ugaling ganoon niya base sa pagkakakilala ko sa kanya. "Samahan na kita," mungkahi naman ni Marco na siyang pinasalamatan ni Isaac. "Anong mga order niyo?" tanong ni Isaac sa amin. Nilabas niya ang cellphone niya para itype ang mga oorderin namin.

"Champ. Large coke and fries," sagot ni Luke.

"One piece chicken, breast part tsaka pineapple juice," sagot ni Janine.

"Two pieces chicken, tapos large sprite," sagot naman ni Benj.

"Kyle, iyon pa rin ba? Gaya ng dati?" tanong naman ni Marco na siyang ikinagulat ko. "Ah oo. Spag with chicken tap—"

"Thigh part plus iced tea?" ngiting pagputol niya sa sinasabi ko na siyang tinanguan ko na lamang.

"Okay! We'll be back," pagpapaalam ni Marco. Tinapik naman nito si Isaac at niyayang pumunta na ng counter para umorder.

"Beh, may napapansin ka ba kay Isaac?" agad na tanong ni Janine as soon as out of earshot na ang dalawa. "Wala naman, bakit?" takang tanong ko dito. Wala naman akong napapansing kakaiba dito bukod sa inakto niya sa akin kanina matapos ang speech niya. "Di ba kasama ko sa dance troupe si Charie? 'Yang gf niya? Kahapon kasi before practice namin, before kami magsayaw, pumunta si Isaac doon tapos medyo nagkasagutan sila. Hindi ko gaano narinig pero parang itong si Charie may ginawa tapos ayaw niya kausapin 'tong si Isaac ng maayos," pagkkwento ng chismosa kong kaibigan.

"Hmm, kahapon nga kinausap niya rin sa cellphone niya before ako natulog pero hindi ko na rin narinig 'yung mga pinag-usapan nila kasi nga inaantok na rin ako nun," sagot ko dito.

"Pustahan, malapit na 'yang magbreak," hula ni Janine.

"Grabe ka naman. Mahal naman nila ang isa't-isa," bara ko dito.

"Hindi, beh. Baka si Isaac oo, pero si Charie hindi na. Totoo. 'Yung isa naming ka-troupe feeling ko nagkakamabutihan sila, eh. Hindi ko alam at hindi ko rin matanong kasi hindi naman kami close. Ang arte kaya niya, kaya hindi ko alam kung ano nakita ni Isaac sa kanya, eh," pagra-rant pa nito. "Bakit naman sobrang interesado ka sa love life niya bigla?" takang pagsingit ni Luke sa usapan.

"Para dito kay Kyle. Pag nagbreak 'yun, may chance na siya. I-seduce lang niya, madali naman iyon kasi roommates naman sila," simpleng sagot nito.

"Ulol ka! Gutom ka na nga talaga kasi kung anu-ano ng baho lumalabas sa bibig mo!" ganti ko kay Janine. Minsan talaga hindi ko maisip kung bakit ko nga ba naging kaibigan ang babaeng ito. "Just saying," depensa nito sa sarili niya. "Babe, huwag mo munang i-push si Kyle. Alam mo na," alalang sabi ni Benj sa girlfriend niya na alam kong patungkol kay Ethan. "Okay, okay!" pagsuko nito.

"So kamusta naman siyang roommate, beh?" tanong ni Janine, pilit iniiba ang conversation.

"Noong una kaming nagkita tinanong niya agad ako kung ano gusto kong house rules," kwento ko sa kanila na siyang agad namang tinawanan nilang lahat maliban kay Benj.

"Grabe, considerate lang naman 'yung tao," depensa nito. Matagal ko na kasing alam talagang idol na idol nitong si Benj si Isaac kaya naman kanina pa siguro ito tahimik dahil na-starstruck ito sa presensya niya. "Feeling ko ikaw talaga may crush kay Isaac, babe," biro ni Janine na siyang agad binawian ni Benj. "Oo naman, sino ba namang hindi?" seryosong sabi niya na siyang nakapagpatahimik sa aming lahat.

UnconditionalWhere stories live. Discover now