Chapter 5

32 0 0
                                    


Chapter 5

2 months later.

"Kyle! Kyle!" sigaw ng isang boses na siyang dahilan para magising ako mula sa isang mapait na bangungot at biglaang mapabangon na lamang. Una kong nadatnan ang mukha ni Luke; banaag doon ang pag-aalala, lalo pa't talagang nanlalaki ang mga singkit nitong mata at gulong-gulo ang palaging maayos niyang buhok.

"Binabangungot ka na naman..." naaalarma niyang pag-aamo sa akin habang hinahagod ang likod ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko, ang tila pagkawala ng kakayanan kong magsalita, hanggang sa tuluyan na akong humagulgol habang nakayakap si Luke sa akin.

It's been like that every night... every night since nawala si Ethan.

Pero pakiramdam ko ngayon ay tila ba iba, na mas matindi ang lahat ng emosyong nararamdaman ko. Na tila ba mas lumakas pa ang pagsabog ng lahat ng mga saloobin na matagal ko ng kinikimkim. It seemed like ang realidad ng pagkawala niya finally sank in its fullest blow and here I am, feeling all the pain it has caused.

The thing is, the death of a loved one leaves a scar that can never be healed. Masyadong malalim ang sugat ang nililikha nito, and you will forever be haunted by the thought that there is no cure for the pain, unless you decide to cure yourself on your own, which is not the easiest thing. Sabi nga ng professor namin sa literature, if you want to describe something saddening to its fullest form, "traumatized" ang dapat gamiting salita para ilarawan iyon, at ngayon, I couldn't help but agree with what he said. It leaves you at your weakest, way beyond the point one can handle, at siguro ay maswerte ako dahil ngayon ay may mga taong umaalalay pa rin sa akin matapos ang pagkawala ni Ethan.

Ngunit kahit gaano ako magpakahirap ilarawan ang nararamdaman ko ngayon, walang mga salita na sasapat upang pantayan at mailarawan ang tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Doon ay bigla ko na naman naalala ang lahat ng mga nangyari: ang tawag ni Kuya Paolo na nagsabing wala na daw si Ethan, ang pag-iyak ni Kuya Paolo nang hapong iyon sa harap ko, at ang video ni Ethan na laman ng flash drive na bigay niya sa akin kung saan niya sinabi kung gaano niya kamahal na araw-araw kong pinapanood. Lahat ng mga ito ay lalo lamang nagpaigting sa tindi ng nararamdaman ko. Kasabay noon ang tila pagputol ng pamilya niya ng kung anumang komunikasyon ang meron sila sa akin.

At hanggang ngayon, heto pa rin ako, hindi alam kung saan siya naroon, kung saan siya inilagak. Hindi ko pa rin nakikita, hindi pa rin ako nakakapagbigay-respeto, hindi ko pa rin siya nakakausap sa harap ng mga labi niya.

"Shhh... shhh..." patuloy pa ring pang-aalo sa akin ni Luke. Doon ko napansin na maging si Luke ay nanginginig na rin hanggang sa maramdaman ko na tila nababasa ang leeg ko na siyang dahilan para mapabalikwas ako at tingnan siya mata sa mata. Nang madatnan ko ang mukha niya ay doon ko na kumpirma na tama nga ang hinala ko.

Umiiyak na rin si Luke.

As if realizing what I've just seen, agad itong tumalikod at dali-daling pinahiran ang mukha niya. Seeing Luke cry is such a rare occasion. Bilang na bilang sa daliri ng isang kamay ko ang mga pagkakataong nakita ko siyang umiyak, at nangyayari lamang iyon kapag lubusan siyang nasasaktan... sa loob.

"Kyle, don't do this to yourself... sige ka, magagalit sa akin si Seb kapag hindi ka pa tumahan. Ayokong multuhin niya ako," pagbibiro nito, ngunit kitang-kita ko pa rin sa kanya ang awa para sa akin, na malamang na dahilan kung bakit ito umiiyak. Kahit natural na kay Luke ang pagiging cold sa iba, ay sa tagal ng pinagsamahan namin ay nalaman kong sensitive siya lalo na sa mga taong mahalaga sa kanya, which eased my emotions a bit more.

"I'm sorry, Lu... hehe matulog ka na. Nahihirapan ka lang dahil sa akin..." pagdismiss ko dito.

Bumuntong-hininga ito.

UnconditionalWhere stories live. Discover now