Chapter 6

37 0 0
                                    


Chapter 6

"Nalintikan ka na nga," ang tanging reaksyon ko na lamang matapos kong ma-realize na talaga ngang si Marco, si Marco Carolino, na dati kong bestfriend noong High school, na bigla na lamang akong iniwan at umalis, ay nagbalik na. Under normal circumstances ay lubusan akong matutuwa dahil naman talagang na-miss ko siya, but the fact that we ended on a bad note...well, let's just say that I am not really happy to see him.

At lecheng tadhana nga naman ito, kung kailan nagsisimula na akong maka-recover mula sa pagkamatay ni Ethan, at saka naman ako guguluhin ng gagong ito. Kilala ko si Marco hanggang sa kadulu-duluhan ng mga daliri niya—hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. Alam kong nandito lamang ito para guluhin ang buhay ko.

"Hmm, paano kaya siya nakapasok dito? Lalo na sa class natin?" mahinang bulong ni Luke na tipikal na rito. Una niya munang inaanalyze ang mga impormasyon sa isang sitwasyon bago pairalin ang kanyang emosyon o magreact man lang. Kaya pwede 'tong abogado, eh. "Hindi ko rin alam, Lu. Wala naman siyang pre-req," mahinang sagot ko sa kanya. "Ano bang gusto niya?" medyo iritableng komento niya. Noong mga panahon kasing magkakaibigan kami ay for some reason ay takot itong si Luke kay Marco dahil sa madalas na pang-aalaska ng huli sa kanya.

"Mr. Carolino, would you mind introducing yourself to the class? I understand that you made special arrangements para makapasok ka dito as a third year student, and so that your classmates could get to know you better. If you don't mind?" paanyaya ng professor namin na siyang nakapukaw ng atensyon ko. Narinig ko ang mga yabag ng paa na naglalakad papalapit sa harap ng classroom. Hindi ko maiwasang manginig nang maamoy ko ang pabango niya.

Hanggang ngayon 'yung bigay ko pa rin ang ginagamit niya, sabi ko sa sarili ko.

At doon ko na nga siya tuluyang napagmasdan. Magta-tatlong taon na rin simula noong huli ko siyang nakita, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwawaksi sa kanya ang kagwapuhang taglay niya. Halata ang mataas na itinangkad nito at ngayon ay tuluyan ng may porma ang katawan niya. Ngunit ng mas nakakatuwa ay ganoon pa rin ang gupit at ang ayos ng buhok niya – simple ngunit nakataas ang bangs gamit ang wax. Lalaking-lalaki pa rin ang dating.

Nang magtama ang mga mata namin ay doon ko bigla-biglang naramdaman, doon biglang nagbalik ang isang emosyon na nakalaan para kay Marco na akala ko ay matagal ko nang naibaon.

Galit.

Doon ko naalala kung paano niya ako ipinagtabuyan, kung paano niya binalewala lahat ng mga pinagdaananan naming nang malaman niya ang pagtingin ko sa kanya. Doon ko nakita sa kanya ang galit, ang pagkalito, pagkalungkot, at maging ang pandidiri patungo sa akin. Hindi ko maiwasang gustuhing maiyak ngayon dahil sa mga alaalang ibinaon ko na siyang isa-isang nagsisibalik.

"Good afternoon, everyone." panimula niyang bati sa lahat, ngunit napansin kong hindi niya tinanggal ang pagkakatitig niya sa akin. Hindi naman ako nagpatinag at maging ako ay nakipaglaban ng titigan sa kanya. "I am Marco Antonio Carolino, but tawagin niyo na lang akong Marco. Uhm, I came from London, and have studied there for two years, but eversince naman dito na ako nag-aral at lumaki. Pyschology rin ang kinukuha ko doon and I thank the admin dahil pinayagan nila ako ditong mag-enroll nang hindi nade-delay. And, uh, I guess that's it. Sana maging kaibigan ko kayong lahat," Simple at kaswal nitong pagpapakilala sa lahat habang nakatingin pa rin sa akin.

"If you don't mind, Mr. Carolino... why did you decide to go back here and bakit dito sa school na 'to?" pagsingit ni prof.

"That's a good question po. I came back because... mas gusto ko dito sa Pinas. My heart is not in London," pagsagot nito sa tanong ng professor namin. At dahil doon ay hindi ko maiwasang lalo pang mainis sa taong nasa harap ko.

UnconditionalWhere stories live. Discover now