"My fianceé called. She's coming back."

Napasinghap ako sa sinabi niya.

A what?

Agad na nanggilid ang luha ko sa narinig.

"Y--you have a what?" pagkaklaro ko.

No, no! Baka mali lang ako nag dinig. Baka nagbibiro lang siya!

"I'm bound to be married," mahinang aniya.

Parang niyurakan ang puso ko sa sinabi niya. Nanatili akong nakaupo at nakatitig sa kanya na nagmamakaawa ang mata. Wala akong ginawa kundi ang paulit-ulit na alalahanin ang sinabi niya sa'kin.

Tumulo ang luha. Napatawa akong pinunasan yun at puno ng sakit siyang tinitigan.

"W--why?"

Halos maawa ako sa sariling boses. Halos hangin ang lumabas sa salita ko dahil sa sobrang sakit sa dibdib. Ito na yata ang pinakamasakit sa lahat ng napagdaanan ko. Walang sinabi ang saksak at baril na natamo ko dahil sa nararamdaman ko ngayon.

He has a fianceé, okay! Pero paano ako?

"Paano ako?" nasasaktan kong tanong.

Hahawakan niya sana ang kamay ko nang agad ko itong iniwas. Naalerto siya.

"No! Ikaw ang mahal ko! It's a fixed marriage. Akala ko ay wala na ang kasunduang iyon pero hindi ko akalaing sasabihin niya na matutuloy ang naudlot naming kasal. Please, don't leave me," he begged.

Parang sinakal ang puso ko sa nakikita kong emosyon sa kanya.

Posible ba yun? Nasasaktan ako sa sinabi niya pero mas nasasaktan ako sa pagmamakaawa niya.

Suminghap ako ng hangin at tumingala.

"Should we break up?"

It should be a statement pero napatanong din ako. Should we?

Sa nakikita ko ay 'yun lang ang sulosyon. Dahil sa una pa lang ay dehado na ako. Wala man lang akong kaalam-alam.

Pagak akong natawa. This is bullshit.

Tumayo ako at pinunasan ang luha.

"Okay fine. We'll break up. Wala namang choice diba? Ikakasal ka at maiiwan ako. Kung ilalaban ko 'to kawawa lang ako. And I'm not that kind of woman. I know my worth at hindi ko ipapahiya ang sarili ko," sabi ko.

Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. Parang hindi pa siya makapaniwalang nagawa kong sabihin iyon.

"J--just like that?" hirap na sabi niya.

Muling tumulo ang luha ko sa tanong niya. "Just like that? What the hell?" pagak akong natawa. "Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Daig ko ba ang pinalunok ng bala!"

"Nahihirapan din ako!"

Umawang ang labi ko at natawa. "Then why you didn't tell me!?" sigaw ko.

Nagtitinginan na ang kauting tao sa parkeng iyon pero wala akong pakialam ngayon. Ang nararamdaman ko ay parang walang katumbas na sakit.

38th Parallel #thewattys2020Where stories live. Discover now