"Just because you want me back that doesn't mean I feel the same Kiro." damn! parang tinurok lang ng karayom ang dibdib ko dun ah!

"I don't believe you don't feel the same.. Awhile ago, the way you kissed me tells me the opposite of what you're saying now." napaiwas sya ng tingin sa'kin at parang namula ang mga pisngi nya..

"Bakit ba gusto mo makipagbalikan? Kasi hindi ko magets ang logic nito. Sikat ka na, marami'ng babae dyan na kahit hindi mo ligawan sigurado papatol sa'yo. Bakit ako? Eh diba galit ka sa'kin? Ano'ng dahilan at biglang nagbago ang nararamdaman mo?"

"Bakit ba ang dami mo'ng tanong? Hindi pa ba sapat na sinabi ko'ng I want you back?!" nakakapikon lang.. ang sakit na sa ulo bakit ginagawa nya'ng kumplikado ang lahat!

"Hindi sapat yun. Gusto ko malaman ano ang totoo." napabuntong hininga sya

"Ano'ng totoo ang gusto mo'ng malaman?!" napakamot na tuloy ako sa ulo ko!

"Mahal mo pa ba ako? Or is this just because of lust?" ok. awkward. she's asking me about the L word. i never said the L word simula ng maghiwalay kami. Unless required sa script yun sa mga tv dramas ko.

"Ask me again when you know the answer." dagdag pa nito ng di ako makasagot. she pushed me out of the door and left.

Dumbfounded.

Yan ako ngayon.

Bakit di ko nasabing oo kahit for the sake lang na matupad ang plano ko?

Ang dali lang naman mag iloveu lalo na para sa'kin na ilang daang beses ko ng nasabi ang salitang yun.. nasabi ko na nga sa mga babaeng di ko naman talaga mahal, so bakit di ko masabi sa kanya?

Kiro what's happening to you?! hindi pwede to!

Kung gusto ko'ng makaganti dapat focus ako sa goal ko. Kahit na anong mangyari dapat matupad mga plano ko. 

Sabi nila everything happens for a reason. I think the reason nagkita kami ulit eh para maparamdam ko sa kanya yung pinaramdam nya sa'kin nung lokohin nila ako.

Hindi ko papalampasin ang pagkakataong ito.

Kinabukasan ay photoshoot namin para sa PR campaign ng hotel. Late ng nakadating sa site si Camila. Nagsimula na kasi kami magphotoshoot kanina pa..

May mga shots kami na masyadong madikit sa isa't isa, kami ng model na napili ko. Pansin ko napapatingin si Camila pero sa tuwing mahuhuli ko sya biglang iiwas sya ng tingin at magpapanggap na nagcecellphone.

Dahil ako naman bahala kung paano ang pose na kukuhanan, mas nilapit ko pa yung babae sa'kin at niyakap ng mahigpit.. Kinikilig naman to.tsk

BAD GIRL Series - Book1Where stories live. Discover now