Chapter 50

708 28 0
                                    

3RD PERSON'S POV

"O.... My... Gosh!"

Nanlalaki ang mata na wika ni sab nang pumasok sila sa kwarto.

"SAB!! YUKO!!"

Naging alerto naman kaagad si sab at yumuko, pagtingala niya ay nakaharang na sa kaniya si mikko.

Si kath naman ay tumakbo papalapit sa kanila.

"Ayos lang ba kayo?"
"Oo. Anong nang--"

Hindi natapos ni mikko ang sasabihin dahil nagulat siya sa taong biglang sumulpot sa likuran nila. Pati narin ang iba pa.

"Z-Zoe.." Nanginginig na bulong ni charles
"Xyla.. Mukhang eto ata ang pinakalate mo na dating. Tss."

Inis namang humarap si xyla kay zoe at pinamewangan ito.

"Aba! Ako pa talaga sisihin?? Sila sisihin mo no! Sila tong ginawa akong story teller eh."

Hindi na nagawang sumagot ni zoe dahil sumugod ito papalapit uli kay zero na sumugod din sa kaniya. Nagtama ang espada nila, kinuha naman ni xyla ang pagkakataon para atakihin si zero sa likod.

"Argh!"

Ungol ni zero nang tamaan ni xyla ang likod nito. Nagtabi si xyla at zoe tapos ngumisi.

"It's been a while."
"Miss mo na ko?"

Inirapan lang ni xyla si zoe bilang sagot, kaya napasimangot ang mukha ni zoe.

CHARLES' POV

Nakatingin lang ako kay zoe na nakikipaglaban nang may nahagip ang mata ko.

"Denisse..."

Bulong ko at lumapit sa kaniya.. mukhang hindi naman niya napansin kaya kinuha ko ang pagkakataon para hawakan siya kaniyang braso. Gulat naman ito na napaharap sakin.

"C-Charles?"
"The one and only.. patigilin mo na ngayon din ang lalaking yun."

Winaksi niya ang kamay ko pero hindi siya nagtagumpay, kaya tiningnan niya ko ng masama.

"And who are you to tell me what to do charles?! Your not my brother!!"
"Kahit na pagbalibaliktarin mo ang mundo kapatid kita at kuya mo ako!!"

Napatawa naman ito sa sinabi ko.

"After all this years.. Hindi niyo pinamita sakin ang pagiging pamilya niyo. Ni hindi niyo man lang ako hinanap?! Sa totoo lang hinihintay ko lang kayo na mahanap ako pero ano?! Wala! Mas pinili niyong asikasuhin si zoe kesa sakin!!"
"Your wrong about that denisse!"

Napalingon kame ni denisse kay zoe na papalapit saamin, may dugo siya sa kanang braso niya kaya hawak hawak niya ito. Si zero naman nakahiga na sa sahig at walang malay.

"Zero!! ANONG GINAWA MO SA KANIYA?!!"
"Chill sis. Pinatulog ko lang siya."
"Sis? Sis? SIS?!! DONT EVER CALL ME SIS YOU LITTLE DEVIL!"

Hindi ko inaasahan na makakawala siya sa akin kaya sinugod niya si zoe. At dahil may sugat si zoe hindi niya nagawang depensahan ang sarili niya, tumilapon siya sa may gilid sa lakas ng sipa sa kaniya ni denisse.

"Hindi na kita kapatid kaya wag mo kong tawaging sis!"
"*cough* k-kagaya.. ng *cough* sabi ni k-kuya.."

Tumayo si zoe kahit na hirap na hirap siya at nilapitan si denisse.

"..Pagbalibaliktarin mo man ang mundo.. P-pamilya mo parin kame."

Mukhang mas lalong nagalit si denisse kaya muli niyang sinipa si zoe pero buti nalang nagawang hawakan ni zoe ang paa ni denisse tapos ay sinuntok niya sa mukha si denisse.

GL Book 2: Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon