1st Blood: "Booba Man"

20.9K 365 31
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: RAIN JENSENS IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.

BOOK DETAILS:

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK

***

BOINK. Boink. Boink.

Hindi malaman ni Vina kung matatawa siya o maiiyak sa narinig na tunog na iyon ng kanyang balakang na tumama sa lupa nang ihagis siya ng baklang may-ari ng bakery na pinagtatrabahuhan niya sa loob ng pack village na iyon.

"Aray! Ano bang problema mo! Hindi ako bola ng football para sipain mo palabas ng bakery! Masakit 'yon ah!"

"Hoy, babaita! Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako ng ganyan!" sigaw pabalik ng baklitang sinundan siya palabas.

Natigilan si Vina sa kakahimas ng balakang niya na tumama sa matigas na lupa. Maswerte siyang walang masyadong dumadaang sasakyan sa gitna ng kalsada. Kung hindi'y malamang ay durog na ang beauty niya ngayon.

But anyway highway, nakalimutan niya. Hindi niya pala dapat sinisinghalan ang baklitang ito dahil for all intents and purposes ay werewolf nga pala ang kaharap niya. A creature that could tear her into pieces in a snap.

Vina grinned sheepishly at that realization. "P-pasensya naman, nabibigla lang. Ikaw naman kasi. Aware akong hayop ka pero hindi naman makatao ang sipain ako palabas ng bakery. Don't ya agree we can be civilized citizens here?"

Umingos ito at inirapan siya. "H'wag mo akong inuuto! Lumayas ka na rito dahil nakakaimbyerna 'yang pagmumukha mo!"

Nanlaki ang mga mata niya at parang nawala bigla ang iniinda niyang sakit.

Layas? As in gora? As in kicked out? Evicted? As in... as in gone for good? Oh, no!

"P-pero bakeeeeetttt?"

"H'wag mo akong artehan, gaga ka. Wala ka sa teleserye!"

Napangiwi siya. Feel na sana niyang mag-drama, panira lang ng moment ang isang ito.

"Fine. Eh pero bakit nga, bakla? Masarap naman akong mag-bake, okay naman 'yong deal natin sa sweldo 'tsaka 'yong pabahay project mo especially for me," tukoy niya sa maliit na espasyong tinutuluyan niya sa loob ng bakery na iyon. Which is not much but it's better than having no roof above her head. "Nakaka-attract ka naman ng maraming customer dahil sa mga gimmicks ko, ah!"

"Actually iyon ang problema. Dahil sa 'yo kaya nawawalan ako ng afam!"

Natigilan doon si Vina at agad niyang naitikom ang kanyang bibig. Pakiramdam niya'y lahat ng dugo sa ulo niya'y nagsibabaan sa kanyang talampakan at bigla siyang namutla.

Black Blood Academy: Rain Jensens  (Published)Where stories live. Discover now