Chapter 21 : Hoodwinked

Start from the beginning
                                    

"Dont look at that." Walang emosyong sambit ni Kirk habang patuloy na kumakain.

"You cant stop me, i'm unstoppable." Walang emosyon ko namang pagbibiro at dali-daling binuklat ang album.

Nasa pangatlong pahina pa lamang ako ng photo album nang may mapansin akong isang kakaibang litrato. Okay, its just a normal photo of two little boys smiling in a playground pero naging kakaiba ito dahil kapwa pamilyar sakin ang dalawa.

I get it, the boy in the right wearing a tiny cowboy hat is Kirk. Ngisi pa lang, halata na. Pero yung batang lalaking nasa left side... Parang si..

"Told you not to look at that." Katabi ko na pala si Kirk.

"Kirk, sino to?" Tanong ko sabay turo sa batang lalaking kasama niya.

"Boyfriend mo." Walang paligoy-ligoy niyang sambit kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Are you sure? Akala ko kamukha lang!" Muli kong tinitigan ang litrato, kamukhang-kamukha nga ni Calix ang kasama ni Kirk.

"Believe it or not, Calix and I were like brothers back when were kids." Mas lalo pa akong nagulat dahil sa sinabi ni Kirk.

"Seriously?!" 

"Seriously." He sounded bored.

"What happened? Why were you strangers all of a sudden?" Lalo pa akong naguluhan.

"Crimson Ripper happened." Sabi pa ni Kirk.

Naupo siya sa sofa kaya maging ako ay naupo narin sa iba. I have always said looking back at the past is wrong but sometimes, there is always an exception, and that exception is this very moment.

"Kirk tell me what happened, from the very beginning." Giit ko kaya tumango-tango naman siya't napabuntong hininga.

"It all started when a teenage girl's dead body is found in the abandoned train station. Bound, gagged, raped and brutally murdered." Kwento niya pero agad nakunot ang noo ko.

"There's a train station here?" Tanong ko.

"There was. Malapit lang ito sa palayan." Aniya pa.

"Weeks passed, nadagdagan ang mga biktima hanggang sa nagsimulang matagpuan ang mga bangkay sa lawa. May isang sinto-sintong lalaking nakatira malapit sa lawa kaya siya agad ang pinagbintangan ng lahat. Isang araw natagpuang patay ang sinto-sinto. Naging masaya kami, akala namin tapos na ang bangungot. Akala namin tapos na ang kalbaryo kasi para sa amin siya talaga ang pumapatay pero mali kami... Dumaan ang isang linggo at muling nadagdagan ang mga bangkay na natatagpuan sa lawa. Habang dumadami ang mga namamatay, lalong nagiging desperado ang buong lusod sa paghahanap ng salarin. Kung sino-sino ang pinagbintangan ng papa ni Tessa hanggang sa maituro nito ang mga ama namin ni Calix. Our fathers were close, ito rin ang dahilan kaya naging magkaibigan kami. Pinaratangan ng lahat na ang papa ko raw ang pumatay kasi nakita siyang kasama ang isa sa mga biktima bago ito nawala. Napagbintangan naman ang papa ni Calix bilang isang accomplice. Nakulong si Papa sa kasalanang hindi niya ginawa at naabswelto naman sa kaso ang papa ni Calix. Habang nakakulong, namatay si Papa matapos atakihin sa puso samantalang ang papa naman ni Calix, hindi kinaya ang hirap ng mapanghusgang mga tao. Oo nga't napawalang sala siya pero sa paningin ng lahat, isa rin siyang mamamatay tao kaya unti-unting bumagsak ang negosyo nila. Dala na siguro ng matinding sama ng loob, nagpakamatay ang ama ni Calix at ang mama naman niya ay nasiraan ng bait. Kinupkop siya lolo niya at simula nun, hindi na niya ako kinakausap pa. Minsan nga pakiramdam ko, sinisisi ni Calix ang pamilya namin dahil sa nangyari sa pamilya niya." Lungkot. Wala akong ibang nakikita sa mga ni Kirk kundi lungkot.

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now