Chapter 21 : Hoodwinked

Start from the beginning
                                    

"I lied... It was all just a fucked up lie and I regret saying that stupid lie kasi heto't unti-unti ng nasisira ang buhay ko at ng mga nakapaligid sakin. I dont know anything about the Crimson Ripper Milky. Okay, He's a serial killer in a red raincoat who butchered innocent teenager girls 10 years ago, thats all I know." Bulalas ko sa lahat ng nalalaman ko.

"Tammy?!" Biglang may tumawag sa pangalan ko kaya kapwa kami napalingon ni Milky at nakita namin si Quinn na namumugto ang mga mata. Para siyang gulat na gulat na makita ako.

"Buhay ka?" Dagdag pa niya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng hinanakit. She's my bestfriend pero heto ang reaksyon niya. Anong akala niya sakin? Namatay?

"Quinn? What the hell?" Nakangiwing sambit ni Milky pero umiling-iling lang si Quinn at niyakap ako ng mahigpit. 

Quinn is my bestfriend and all pero hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko.

Gaano ko ba talaga siya kakilala? Is she really the girl who I think she is?

Is she really my bestfriend or some girl I think as my bestfriend?

Ibinalik ko ang tingin kay Dustin at Ponzi ngunit laking gulat ko nang makitang nakasakay na silang dalawa sa motorsiklo ni Ponzi. Sinubukan kong tumakbo upang habulin sila ngunit huli na, tuluyang ipinaharurot ni Ponzi ang motorsiklo kaya hindi ko na sila nahabol pa.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Kirk na papasakay sa kotse niya kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Kirk sundan natin sila!" Giit ko sabay turo sa direksyong tinahak ng dalawa.

"Sino?!" Tanong niya.

"Sina Ponzi at Dustin!" Dagdag ko at dali-daling sumakay sa loob ng kotse niya.

"Calm down!" Giit naman niya nang nang naupo na siya sa driver's seat.

Hindi na nag-atubili pa si Kirk at agad na niyang pinaharurot ang kotse niya. Ngunit habang binabagtas namin ang tahimik na daan, biglang nawala sa paningin namin ang motorsiklo.

"Damn it Kirk! Drive faster!" Giit ko.

"And what die?!" Biglang hininto ni Kirk ang kotse kaya halos mabaliw ako sa galit. Wala akong magawa kundi mapahampas na lamang sa compartment.

"Look, those boys just lost their bestfriend, give them time to mourn." Giit niya kaya napabuntong-hininga na lamang ako't napasandal sa kinuupuan ko.

*****

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nagulat ako nang mapansin kong nakahiga ako sa isang sofa at ang masaklap, hindi ko alam kung nasaan ako.

"Calm down. You're safe." 

Agad akong napaupo nang marinig ko ang boses ni Kirk. I felt relieved and at the same time confused. Bakit ako nandito at paano ako nakarating dito?

"You slept in my car. You looked so tired kaya dinala nalang kita dito. Walang malisya." Sabi pa niya kaya napatingin ako sa direksyon niya.

Nakaupo lang pala siya sa mesa habang kumakain ng cup noodles.

"Kain tayo." Aniya pa kaya agad akong umiling-iling.

Nakakailang kaya naisipan kong tumayo at pagmasdan ang bahay niya. Maliit lamang ito, palibhasa mag-isa lamang siyang nakatira dito. Wala masyadong furniture pero may nakita naman akong isang lumang photo album sa ibabaw ng tv kaya naisipan kong pakialaman ito.

The girl who cried murderWhere stories live. Discover now