Tumango naman sila habang abala sa panunuod ng tv. Ngunit natapos na akong maligo ngunit wala pa ring Joaquin ang nagpapakita. I checked my phone if there were any messages from him pero wala.

Ako:

Where are you?

Ilang minuto ang lumipas nang may bumusina sa labas. Guess that’s Joaquin. Lumapit agad ako sa pintuan at inabangan siyang makababa ng sasakyan. Ginawaran niya ako ng halik sa noo.

“I bought you a snack. Sorry to keep you waiting.” Tinaas niya ang dala dalang dalawang box ng donuts at ilang plastic na galing sa fastfood.

Tumaas naman ang kilay ko. “Matutuwa na naman sila,” I said pertaining to my friends who are a sucker for Joaquin’s pasalubong.

He chuckled. Iginiya ko siya papuntang sala. Halos tumalon naman sa tuwa ang mga kaibigan ko nang makita ang mga dala niyang pagkain.

“Ang aga mo ata,” panimula ko.

“The meeting ender earlier than expected. And I already missed you so...”

Naghagikgikan ang dalawa kong kaibigan habang ako’y namumula na sa kinauupuan. Hindi ako sanay sa mga ganitong banatan, dagdagan pa na nandito ang dalawa kong demonyong kaibigan.

Nagkwentuhan kami at kumain. Alas otso na nang narealize naming kailangan na naming maghapunan.

“Ano? Magpadeliver na lang tayo?” suhestiyon ni Tracey.

“Um, if you wouldn't mind, may I bring Arabella to our house? Doon kami magdidinner.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Joaquin. Namilog naman ang mga bibig nila.

“Wow! Yeah, sure! Basta i-uwi mo agad ng maaga iyan, ha.”

“Wait,” wika ko.

“What?” natatawang tanong ni Joaquin.

“Don’t I have a say on this?”

I am not ready to go to his house!

“We are just going to have dinner with my Dad. He wants to know the girl I’m pursuing.”

Pumikit ako nang mariin sa kabang naramdaman.

“Don’t worry, he’s not going to put you on a hot seat. Besides, kilala ka na niya, hindi ba?”

Kinagat ko ang pang ibabang labi. Ang puso ko’y walang humpay sa pagkabog.

“Sige na, Ara. Sumama ka na,” pilit ni Alyssa at Tracey.

“Paano ang hapunan niyo?”

Hindi naman pwedeng kakain ako ng masasarap na pagkain doon at sila’y namomroblema sa kakainin dito.

“I will buy them their dinner, and next time I will bring you three to our house. I just need a personal time with Bella today.”

“Oh, go na! Bihis na do’n, Arabella!” mala nanay na utos ni Tracey.

Mabilisan akong naligo at nagbibis ng formal dress. Isang puting dress na hanggang hita ang sinuot ko. Fitted to sa akin kaya nakikita ang curve ng bewang ko. I partnered it with a two inches heels.

Bago umalis, in-orderan na ni Joaquin ng hapunan sila Tracey. Sinagot na ni Joaquin ang gastos kaya tuwang tuwa ang dalawa.

Pagkatapos noon ay tumungo na kami sa bahay nila. Ito ang unang beses na pupunta ako sa bahay nila at makakausap ang mayor nang kaswal dahil kasama namin sa hapunan. Namamawis ang palad ko kahit na malamig naman dito sa loob ng sasakyan.

Heart of Stone (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now