Chapter 1

554 172 293
                                    

Peony's POV


"Peony nasaan ka na naman ha? Di mo ba alam na may interview ka ngayong araw?" Sabi ng nasa kabilang linya.



Kakagising ko lang dahil sa pagtawag niya sa akin. At ngayon tinatalakan niya pa ko. Kailan ba magiging tahimik tong buhay ko. Siya nga pala yung Manager ko. Si Manager Wendy.


"Hu-h? Ano di kita marinig?" Sabi ko, kunwari walang signal dito.



"Peony hindi nakakatuwa. Nasaan ka ba? Hindi ba ininform kita na may interview ka ngayon? Magagalit ang daddy mo pag hindi ka umattend dito." Sabi niya. As if naman makakapunta ako dun kahit sabihin ko kung nasaan ako. Seriously? Ano namang paki ko kung magalit siya sa akin?



"I'm in Netherlands." Simpleng sagot ko. She can call me, because of the area code, country code and number you add to make an international call.


"Ano?! Paano ka napunta dyan? Kahapon nandito ka lang ah. Nako naman Peony." Napa-roll eyes nalang ako dahil ang daldal niya.



"Wag mo na ko kausapin, paniguradong madami dami kang ieexplain diyan. Bye!" Sabi ko at binaba na ang phone ko.



Humiga na muna ako sa kama kong napakalaki pero mag-isa lang ako. Pag-kagilid ko nakita ko ang sarili kong picture nagiisa. 



Ayoko munang umuwi sa Pilipinas kasi para akong robot na kinocontrol ng pamilya ko. Bakit ganun? Kahit andami kong fans at andaming nagmamahal sa akin dahil artista ako, ang lungkot pa din. Siguro dahil hindi naman yung totoong ako yung mahal nila. Yung screen attitude ko lang naman ang nakikita nila.


Tumayo na ako at pumunta sa CR. Mag-aayos na ako para makagala na din ako dito. Ito ang first time ko sa Netherlands and madami daw Tulips dito. I would love to take photos of that. Netherlands is one of the most wanted country to visit for me.


Sinuot ko na yung outfit ko today at tumingin sa salamin. I'm wearing a skirt and a crop top, I got my coat beside me and I must say na ang simple lang pero ang classy tignan.


"You look great Peony Mendell." Sabi ko ngumiti. Sino pa bang mag-cocompliment sa akin? Edi ako. 


Bumaba na ako at hindi na nag-breakfast tutal wala din namang breakfast. Dumiretso nalang ako sa Café malapit sa hotel ko. I took my time para makapili ng drink ko dahil I am not really familiar sa mga inumin dito. I'm glad they know how to speak English.



"Uhm hi, May I have the chocolate créme milk?" Sabi ko sa cashier.


"Sure, Is that all?" Tanong sa akin ng cashier.


"Yes. Thank you." Sabi ko at kinuha na ang number ko. Pang 8 pa pala ako kaya umupo muna ako.


Photography In LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt