Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

uno

15 2 15
                                        

yena's point of view.

"Feliz regreso señorita." Nakangiting bati sa akin ng aming mga kasambahay.

Nginitian at tinanguan ko na lamang sila at pumanhik na sa aking kwarto.

Nagsindi ako ng lampara at umupo habang nag iisip. Ipinikit ko saglit ang aking mata dahil sa kapaguran.

Nakarinig ako ng tunog at minulat ang aking mata.

H-hindi m-maaari.. Anong kahibangan ito?

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nasa balkonahe ako at nakatingin kay Wooseok na nasa ibaba ng aming bahay.

"Kamusta ka aking minamahal?" Nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa akin.

Aalis na sana ako ng balkonahe nang maramdaman ko na hindi ako makagalaw.

Anong nangyayari? Sabi ko sa aking isip.

Tiningnan ko uli si Wooseok at nakita ko ang pagsenyas niya na ako'y bumaba kaya dali dali akong bumaba at pinuntahan siya.

Hindi pa man ako nakakalapit sa kaniya ng makarinig ako ng tunog. Napahinto ako, nakokontrol ko na uli ang aking katawan.

Tumakbo ako at iniwan si Wooseok na nakakunot ang noo. Pumunta ako sa tabi ng batis at iniisip kung ano ang nangyayari sa akin.

"Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, nababaliw na yata ako." Sambit ko at bumusangot.



Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 07, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

PagesHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora