CHAPTER 13- SYNTAX ERROR

Start from the beginning
                                    

Wait! Major in Filipino nga pala ako, medyo nosebleed ako doon.

"What I am trying to say is... You are currently in a challenging debate with Percy. Your subject is Kuya Ashmer, and you're on the negative side while she's on the positive side. You have only a short time to prove yourselves. Now, the question is... How will you win this battle, knowing that you're on the negative side?"

Nilingon niya ako at pinakatitigan, hinihintay ang aking sagot .

Hindi ko na nga maitatago ang sitwasyon namin sa aming mga kasamahan, unti-unti na nilang napapansin, nalalaman at hindi magtatagal ay makakarating na din ito kay Percy.

Bahagya rin akong napatingala at nag-isip. Paano nga ba? Paano ko nga ba ipapanalo ang laban kung sa una palang ay nasa negatibong posisyon na ako?

Muli akong humigit ng malalim na hininga.

"You're right, Shane. Love is like a debate. Therefore, even if you're on the negative side, as long as you justify yourself, provide logical arguments, and stand firmly in your beliefs, you'll keep winning." I sighed, meeting her gaze. "One more thing, you should follow what your heart says, not what your mind thinks. Because at the end of the day, it's always the feelings that count, not the thoughts you have," I added.

Tama nga ba ang sinabi ko?  O baka... Puro salita lang ako pero hindi ko naman ginagawa dahil ang totoo, ayaw kong manalo sa larong ito dahil hindi ko rin naman magawang talonin si Percy.

I love Ash as much as Percy. Ang hirap mamili. Sobra.

Nagising ang diwa ko ng pumalakpak si Shane. Napangiwi na lang ako.

"Nice answer. Pang Miss Universe. Well, mauna na ako. Nasa DH na si Faller my loves, my honey, my hubby, my sweetie, my mercury, venus and earth, ang aking iniirog, iniibig, inaasam-asam tapos hindi naman ako mahal," tila kilig na kilig niya pang sambit.

Natawa na lang ako sa huling apat na salitang binitawan niya.  Haduf talaga! Believe din naman ako sa tatag ng loob ng isang ito eh.

"Saklap ng aking buhay pag-ibig, Marci. Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Nagkakamali ka! Pero nah! Whatever, akin lang si Faller, akin lang siya. Maharot nga ulit ang isang iyon."

"Zsss! Landi! Hindi ka ba napapagod?"

"Marci, baby, kapag mahal mo hinding-hindi ka mapapagod. Saka feeling ko talaga kaunting kembot na lang mailalayo ko na siya sa Eliza niya, eh."

"O siya, umalis ka na!"

"Ayaw mong sumama? Tara na sa DH, ang rinig ko ililibre tayong lahat ni Lovimer dahil siya na naman ang naka-duty sa kitchen. Hindi mababawasan ang allowance natin this day! Dali na!" aniya pa sabay hila sa akin.

Bakit ba ang hilig mangaladkad ng mga tao dito? Mga haduf talaga. Saka allowance? Zsss! Bata ba siya?

Pero totoo naman. Dahil kuripot ang founder ng GC ay hindi libre ang pagkain namin sa DH. Nagbabayad kami tuwing end of the month na. Ayos lang naman sa amin iyon. No problem.

No problem dahil si Boss naman ang nagbabayad ng sa 'kin. Stubborn ang isang iyon kaya hinahayaan ko na lang, mayaman naman siya, eh. Hindi ko alam kung alam ba iyon ni Percylla.

"Welcome to GC dinning hall mga ka-haduf! Enjoy your stay here! Laging pakakatandaan, si Lovimer ang pinakagwapong chief ng bayan!" mayabang pang saad ni Mer sabay kindat sa akin.

"Anong pauso 'yan?" nakangiwi ko pang tanong. Bakit kailangan may pa-welcome words dito?

"Well, uso ang introduction sa DH ng RAO eh. Tsaka 'yong name ng DH nila ay Churchi ba 'yon? Basta, 'di ba ang cool? Kaya naman meron din tayo. Haduf DH with your guwapong chief. What do you think, Crystal, my bes?" tanong niya pa sa kakapasok pa lang din na dalaga. Umismid pa muna ito bago nagsalita.

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Where stories live. Discover now