Part 3

3.4K 129 9
                                    



HINDI alam ni Sienna na nakatakda ring mawala sa buhay niya si Mike. Isang gabi ay panay ang halik nito sa kanya. Malambing si Mike pero nang oras na iyon, extra ang lambing nito.

"Sa wakas, Sienna, makakasal na rin tayo." Hawak nila ang aprubadong lisensya ng kasal. Nagawan iyon ng paraan ni Mama Sylvia kahit na pareho silang menor de edad.

"Nakokonsiyensiya ako. Wala pang isang buwang namamatay ang Mama," aniya.

"Hindi na natin kailangang patagalin. Mas mahirap namang nandiyan na ang baby, eh, hindi pa tayo kasal. Ayoko namang maging illegitimate ang anak ko."

Tumungo siya. Kaya nga nagsawalang-kibo na lang siya. Ganoon din ang katwiran ni Mama Sylvia. Ayaw nitong lumabas na illegitimate ang apo.

"Sweet, kailangang lumabas ako ngayong gabi," paalam ni Mike.

"Saan ka pupunta?"

"Nabalitaan ng barkada ang kasal natin. Nangangantiyaw. Magpainom naman daw ako." Binuntutan nito ng tawa ang sinabi.

Kilala niya ang barkada ni Mike. Maykaya rin ang mga ito tulad ng kasintahan. At hindi siya nag-aalala sa gastusin kung hindi sa hindi maipaliwanag na kabang dumagan sa dibdib niya.

"Ingat ka," ang tanging nasabi niya.

"Siyempre naman," ani Mike. Matagal ang mariing halik na iniwan nito sa kanya. Nakalabas na ito ng pintuan ay panay pa ang kaway nito sa kanya. At habang lumiliit ang tingin niya rito ay lalo namang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Nanalangin siya. Hiniling niya sa Diyos na sana ay ingatan Nito si Mike. Sa huli ay puro hagulgol na lang ang nagawa niya.

Balisa siya buong magdamag. Hindi niya makuhang matulog. Nang may pumaradang kotse sa tapat ng bahay nila, siya na ang nagbukas ng ilaw. Parang inaasahan na niyang mangyayari ang ganoon.

Pakiwari niya ay sasabog na sa lakas ng tambol ang kanyang dibdib. Halos mangalog ang mga tuhod niya sa pagmamadaling buksan ang gate.

"Ariel?" Nangangatal na siya.

"Sienna, si Mike..." Iyon lang ang narinig niya at pinagdimlan na siya ng paningin. Nang magising siya ay nasa ospital na siya. Nakabantay sa kanya si Mama Sylvia.

"Hija," tawag nito.

"Si Mike ho?"

Lumunok ito na tila pinipigil humulagpos ang emosyon. "N-nasa ICU."

Ipinaliwanag sa kanya ni Mama Sylvia ang nangyari. Nagkaroon ng gulo sa bar na pinuntahan ni Mike kasama ang barkada nito. Anak ng isang politiko ang nagpasikat. Nagpaputok ito ng baril nang mapikon sa isang waiter. Si Mike ang malas na tinamaan ng bala. Tinamaan ito sa may tiyan.

Tinipon niya ang lakas at pinuntahan ito sa ICU sa kabila ng bilin ng doktor na huwag itong gambalain. Hinawakan niya ito sa kamay at kinausap. "Mike, please, live. Nandito kami ng baby natin. Kaya mo iyan," hagulgol niya.

Maagap siyang inilayo ni Mama Sylvia roon. Pilit siyang ina-assure na may pag-asa pa si Mike.

Mike had a strong fighting spirit. Naroon ang will rito na mabuhay pa. Kitang-kita iyon ng mga doktor sa kabila ng grabeng pinsala na tinamo nito. Ngunit hindi na nakaya ng pisikal na katawan ni Mike. Eksaktong isang linggo nang dalhin ito sa ospital, binawian ito ng buhay.


*****

Hello, readers!

Thank you for reaching up to this part.

For some years, readers had the opportunity to enjoy reading this over and over again for FREE.

However, this time around, the complete story found its new home at Dreame. (Ang Dreame ay isa ring reading app na gaya ng Wattpad. Hanapin lamang sa Google Playstore (for Android users) at sa iPhone users, pakihanap na lang din.)

You can search me on Dreame under the username Jasmine Esperanza.

Thank you so much.

*****

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor  

SECOND CHANCE AT LOVEWhere stories live. Discover now