Part 1

11.5K 196 13
                                    


Author's Note :

If you are waiting for Practical Marriage's story nina Mickey at China, siguro magandang ito muna ang mabasa mo <3


******************

"MICKEY, wake up." Mahinahon pa rin ang tinig ni Sienna. Iyon ang kailangan niyang puhunan tuwing umaga kapag may pasok ang twelve years old na anak. Kailangan pa niyang bantayan ito para matiyak na babangon ito. "Mickey, you'll be late for school," dagdag pa niya.

Minsan, iniisip niya kung dapat na nakinig na lang siya kay Mama Sylvia, ina ng ama ni Mickey. Dapat daw ay i-voice tape na lang niya ang litanya niya kay Mickey tuwing umaga. Tutal iyon at iyon din daw ang monologue niya sa umaga tuwing gigisingin ang anak.

"Maaga pa, Mommy," narinig niyang sabi ni Mickey. Kung gising ito ay hindi niya alam. Nakapikit pa kasi ito at halos ungol lang ang lumabas sa bibig.

"Mickey, nag-uumpisa na akong magalit!" pigil, ngunit naroon ang awtoridad na wika niya.

"Sienna," tawag ni Mama Sylvia mula sa kusina sa ibaba. "Paliguin mo na iyan. Handa na ang baon niya pati almusal."

"Mickey..." Nanggigigil na siya. Hindi niya alam kung kanino nagmana ang anak ng katamaran sa paggising. Ibinangon niya ito. at bagama't nakasara pa ang mga mata ay inakay na niya sa banyo ng kuwarto. Isinahod niya ang kamay sa binuksang gripo at isinaboy dito ang tubig.

"Mommy!" nandidilat na protesta ni Mickey nang mabasa ng tubig ang mukha.

"Maligo ka na. At bilisan mo ring magbihis. Maghihintay na naman sa iyo nang matagal ang school bus!" Pinandilatan din niya ang anak bago iniwan sa banyo.

Bago tuluyang lumabas ng kuwarto ay niligpit muna niya ang pinaghigaan nito. Kung tutuusin ay hindi na niya iyon dapat ginagawa dahil dinidisiplina niya si Mickey na maging organized sa gamit at matutong mag-asikaso sa sarili.

Ang kaso ay habang pinu-push niya ito ay waring lalong nagiging stubborn. Ayaw niyang isiping ineffective siya pero sa abot ng pagkakaalam niya, ginagawa naman niya ang lahat para mapalaki si Mickey nang tama.

But with Mama Sylvia around, parang may mali nga sa sistema niya ng pagpapalaki sa anak. Lagi na ay magkaiba sila ng katwi­ran ng matanda. Ni hindi ito naniniwala sa pamamalo ng bata. Kahit na nga ba kung minsan ay sumasagad na ang kapilyuhan ni Mickey. Minsan tuloy ang tingin niya kay Mickey ay mayroon na itong buntot at dalawang matutulis na sungay!

Na-spoil si Mickey sa Lola Sylvia nito. At maging sa bayaw niyang hilaw na si Ariel. Hilaw dahil hindi naman sila kasal ng ama ni Mickey.

"Towel, Mommy!" narinig niyang sigaw ni Mickey buhat sa banyo. Naiiling na lang na muli siyang pumasok sa loob at mula sa cabinet ay ikinuha ng tuwalya ang anak.

Napakunot siya ng noo nang iaabot niya sa anak ang tuwalya. Pinakatago-tago nito ang sarili sa likod ng shower curtain.

"Ano'ng itinatago mo riyan?" Pigil niya ang mapangiti.

"Iwan mo na lang diyan at aabutin ko," sa halip ay sagot ni Mickey.

"Bakit ba?"

"Mommy naman, eh!" Nagmamaktol na ito.

Nang lumabas ng banyo si Mickey ay kinukuha niya sa closet ang uniform nito. Nagtataka pa rin siya sa kilos ng anak. Ang tuwalya ay maayos na nakabuhol sa baywang nito at hawak pa ang dulo. Tila takot ito na bigla na lang iyong mahulog.

SECOND CHANCE AT LOVEWhere stories live. Discover now