HBAM 5

21.3K 612 60
                                    

.Since natapos na yung L.A, mas bibigyan ko na ng pansinin ang Hanging by a Moment. Sorry kung super slow yung pag uupdate ko dito. Pero gagawin ko yung best ko..

 

Para maging worth it ang pag hihintay niyo.

-

HBAM 5

''Jane, tungkol dun sa binaggit kong girlfriend.'' napalingon ako kay TingZhe habang kumakain ako ng popcorn. Inilibre niya kase ako ngayon, nanuod kaming sine.

''Hah? Anong sinabi mo??'' kahit madilim, halata pa rin sakanya na naka ngiti ito. Kumikinang kase yung ngiti niya.

''Tara, labas na tayo. Malapit na rin namang matapos yan..''

''Per....'' hindi na ako naka tanggi ng hawakan ni TingZhe yung kamay ko.

Habang nag lalakad kami sa madilim na sinehan, parang hindi pa rin ako makapaniwala sa ginagawa ni TingZhe. Nagu-guilty ako kase parang mali din tong ginagawa namin.

Tutulungan niya akong mag move on kay Clarkson, pero paano kung sakanya naman ako mainlove?? Edi ako naman yung mahihirapan? Sino nang tutulong sa aking mag move on?

Napahampas nalang ako sa may noo ko.

''Jane, okay ka lang??'' sa sobrang pag iisip ko, hindi ko na napansin na nasa labas na pala kami ng sinehan ng MAG KA HOLDING HANDS.

Sa pag labas namin sa sinehan, unti-unti ng dumami yung tao, unti-unti kaming pinalibutan nung mga babaeng kanina pa nag hihintay sakanya. Pina reserve niya kase yung buong sinehan.. Para daw walang makaka istorbong fans.

''TingZhe! Pakiss!''

''Pa autograph!! Waaaaaaaah!!!''

*tulak sa akin doon, tulak sa akin dito*

''TingZheeeeee! Marry me!!''

Nginitian lang ito ni TingZhe.

''Excuse me ha? Pero.. hindi ako artista ngayong araw na toh. Kaya sana ituring niyo ako na kagaya niyong  normal na tao..'' sumunod naman yung mga fan girl niya sakanya. Pero pakiramdam ko, anong oras kakainin nila ng buhay itong si TingZhe.

''Salamat..'' pag kasabi niya ng thank you sa mga ito,

''Uhmm.. Excuse me.. Hah??'' nginitian ni TingZhe yung mga fans niya.. Nag lakad ito papalapit sa akin..

''tara Jane?''

*gulp*

''Tara??'' bigla akong nanigas sa kinatayuan ko.. Hinawakan niya yung kamay ko..  At hinila papalayo sa mga fans niya.

HANGING BY A MOMENT [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon