H B A M [ CHAPTER 2]

25.8K 743 101
                                    

H B A M [ CHAPTER 2]

NAKARATING AKO SA CLASSROOM na pinag mamasdan yung panyo na ibinigay sa akin nung lalaking pula yung buhok.

''DRILLON!!! Tignan mo oh! May autograph na yung cd ko!!!'' nag madali itong ipinakita yung cd niya. This time tinignan ko na yung cd.

Ang tanga ko lang.. Bat ngayon ko lang napansin na kasama pala siya sa boyband na yun? Ito ba ang parusa ko sa pagiging sobrang siryoso sa pag aaral? at nakalimutan ng maki uso at maki tsimis????

''Oh.. Bat bigla kang natulala? Ahhh.. Alam ko na, siguro na amaze ka sa performance nila no?? Siguro naman ngayon, magiging fan kana??'' tumawa ito at sinapok pa ako.

''Gaga! Hinde.. Fan? Tssss... Mas gugustuhin ko nalang yung kanta ni Bieber kesa sa mga toh.'' 

''yuck.. Bieber daw.. Laos na si Bieber!'' may masama ba kay Justin Bieber??

Nang ilipat ko sa susunod na pahina yung photo book ng album..

Nakita ko yung lalaking pula yung buhok.

''Ahh.. Ano, Isra anong pangalan ng pulang buhok na toh??''

''Tingzhe yung pangalan niyan. Chinese siya, August 1st 1994 birthday yan. Blood type O, lead vocalist.. At best face siya nung nag aaral pa siya sa isang sikat na University sa China.... Baket?? Bet mo?? Uy ha? Hindi na rin masama ang taste mo..''

pangalan lang ang itinatanong ko at ang dami niyang isinagot.. Malala na siya. -__-''

ipinakita ko sakanya yung panyo.

''nakita niya kase ako kanina.. Ibinigay niya sa akin yan.'' halos kumislap yung mata niya ng makita niya yung panyo. Kinuha niya sa akin yun at inamoy-amoy.

''WHAT THE! BAKIT HINDI MO AKO TINAWAGAN?!!! Bat hindi mo man lang ako ipinakilala???''

''hindi ko naman kase siya kakilala.. Kaya nga tinatanong ko sayo diba??'' =___=''

''Shet lang Jane, ni hindi mo man lang kinausap?! Anong klase kabang nilalang??! Na miss mo ang pinaka masayang part ng buhay mo..'' nag hehehe lang ako.

''ang daya mo naman e! Ikaw binigyan ka ng souvenir ng ganun ganun lang, samantalang ako.... Ibinenta ko na psp ko maka nuod ng concerts nila.. Tapos ikaw.. Naka salubong mo lang tapo...  waaaaaaah!!! Napaka UNFAIR!!!!!!!!''

Nag simula na siyang mag lapasag.. E hindi ko nga sila kakilala diba?? Kung kakilala ko lang sila.. Edi sana nag pa picture pa ako kasama siya.. Pero hinde e.. HINDI KO SILA KAKILALA. Pwera nalang kay Clarkson. Na GAGO!

''Akin nalang toh ahh??'' kinuha niya yun...

''Heheheh..'' tumawa lang ako, at inagaw ko ulit sakanya yun. ''Drillon!!?? Diba ayaw mo sakanila?? Akin nalang puhleaaase?????''

HANGING BY A MOMENT [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon