Thirty-One

3.8K 70 2
                                    

Hinihiling ko na sana bumagal ang oras. Sana humaba ang daan palabas para mas matagal niya rin hawak ang kamay ko. Pero hindi rin nagtagal iyon at nakalabas na rin kami. Kinailangan kong bumitiw sa hawak niya dahil sa nakita.

Papunta na sa kotse ni kuya ang babaeng sinasabi ni Renz. Lasing na ata si kuya dahilan kung bakit ang babae ang nag-aalalay sa kanya makalapit lang sila sa kotse.

Ang kapal naman ng babae na ito!

Agad ko silang nilapitan. Kinuha ko agad ang atensyon ng babae at pilit na inaagaw si kuya sa kanya.

"Hey back off! Nauna ako!" Sigaw niya sa akin gamit ang nakakairitang boses.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng babae. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Maikli rin ang suot niya na dress. Halos iluwa na rin ng damit niya ang suso niya. Paano ba nakalapit ito kay kuya?

"Tanga! Kuya ko 'to!" Hindi ko na napigilan. Agad ko ring nakuha si kuya dahil mas inalala pa ng babae ang pagtawag ko sa kanya ng tanga.

"Anong sabi mo?" Matapang niya na sagot. Si kuya naman ay muntik na ma-out of balance kaya agad kong inalalayan. Asan na ba kasi si Renz? Kailangan ko ng tulong dito.

Tumingin ako sa pinanggalingan namin kanina. Agad ko naman siyang nakita. Nanatili siya sa pwestong pinagiwanan ko sa kanya at kausap na naman si Erich. Sinundan pala siya nito. Kaharap niya ngayon ang babae kaya hindi napapansin ang sitwasyon ko dito.

"Kapal ng mukha mo!" Sigaw ng babae sabay hablot sa buhok ko. Iiwas na sana ako pero dahil nawala ang pokus ko sa kanya ay nabigo ako. Naramdaman ko ang sakit ng sabunot niya at parang sanay na sanay siya sa mga ganito.

Hindi ako agad nakapalag dahil hindi ko rin alam kung ano ang gagawin. Si kuya ay hindi makatayo ng maayos tapos ako halos kaladkarin ng babae na ito.

Nawala ang pagkakahawak ng babae sa buhok ko. Agad kong nilapitan ang kotse ni kuya, kinuha sa kanya ang susi at pinasok muna siya sa driver's seat. Hindi naman ako ganong nahirapan dahil kaya pa naman kumilos ni kuya. Nagawa ko rin ito sa mga ilang kaibigan ko noon sa ibang bansa kapag may party kami at napaparami ang inom nila kaya medyo nasanay na rin siguro ako.

Nilapitan ko sila Renz, yung babaeng sumabunot sa akin at si Erich. Narinig kong sinisigawan siya ni Renz pilit naman siyang kinakalma ni Erich.

"Ulitin mo 'to at talagang—" naputol si Renz nang biglang pumalag sa hawak niya ang babae para makatakbo. Nagtagumpay siya at nakalayo na. Nakita niya kasi na papalapit na ako.

Sabay tuloy na napatingin sa akin si Renz at Erich. So kami na lang tatlo ngayon. Great!

"Ok ka lang?" Nagulat naman ako sa biglang tanong sa akin ni Erich.

"Ah! Oo naman." Awkward na sagot ko. "Sige." Sabi ko na lang ulit at tumalikod na. Hindi na ulit sila tiningnan. Lumapit lang naman ako para gantihan sana ang babaeng yun kaso nakatakas na.

"Louisa." Habol sa akin ni Renz pero hindi ko siya pinansin. Mabilis ang lakad namin papuntang kotse ni kuya. Rinig ko rin ang pagsunod sa amin ni Erich.

"Kuya." Sabi ko agad pagkalapit sa kanya. Halos nakakatulog na sa upuan niya.

Tinulungan ako ni Renz na gisingin si kuya para makalipat siya ng upuan.

"Sige na, Renz. Ako na ang bahala kay kuya." Sabi ko para umalis na sila ni Erich pagkatapos makalipat ni kuya. Papasok na ako sa driver's seat nang hawakan ako ni Renz sa braso.

"Ikaw ang magdadrive? Nakainom ka. Ako na—" pinutol ko agad siya dahil hindi ko nagugustuhan ang naririnig.

"Kaya ko ito." Sabay ngiti sa kanilang dalawa ni Renz at Erich.

One Night Is EnoughWhere stories live. Discover now