Thirty

3.8K 69 1
                                    

Naligo at nagbihis ako pagkaakyat ko sa kwarto ko. Hinayaan ko na mag-usap ang dalawa kahit miminsan kong naiisip na pwedeng totohanin ni Renz ang banta niya kanina na ipagpapaalam ako para sa lakad 'daw' namin bukas.

Nakaupo lang ako sa kama ko habang iniisip ang mga sinabi ni Renz habang nasa kotse niya kami. Hindi man niya sinabi nang diretso pero nagkakaideya na talaga ako. Agad ko rin namang kinokontra iyon. Ayokong umasa. Ang mahalaga may rason na naman ako para ipagpatuloy ito. Baka worth it pala.

Nakapangtulog na ko at mukhang ang komportable ng kama ko ngayon pero pinili kong lumabas at sisilipin ko sila kuya. Medyo nag-aalala rin ako don.

Hindi pa man ako nakakababa ay nakasalubong ko na sa hagdan si mom.

"Sabay kayo ng kuya mo dumating?" Tanong ni mama. Hindi ko nga pala sila napuntahan kanina dahil naging busy ako sa pag-aayos ng sarili sa kwarto.

"Ah yes mom." Sabi ko. Half truth, half lie. Sabay kami umuwi ni kuya dahil nagkakitaan kami sa labas pero hindi ko sinabi na sa ibang kotse ako nakasakay. Baka yun kasi ang tinutukoy ni mom. "Asan po pala sila?"

"Nandon sa kusina at pinipilit ng daddy mo na umuwi. Kausapin mo nga rin ang kuya mo—" sabay kaming napalingon ni mom dahil sa padabog na paglabas ni kuya sa kusina. Agad na nakasunod si dad sa kanya at si Renz na nakatitig sa akin.

Napababa na kami at sumunod sa kanila.

"Umuwi ka sa asawa mo!" Galit na galit na sigaw ni Dad kay kuya na padabog ding umupo sa unang upuan na nakita niya.

Agad siyang dinaluhan ni mom at pinilit na ikalma. Hindi ko naman alam kung saan lulugar. Lalapitan ko ba si kuya o si Renz?

Syempre ang kuya ko!

"Kuya.." tawag ko sa kanya pagkalapit. Hindi ko naman alam ang mga napag-usapan nila habang wala ako kaya hindi ko rin alam ang dapat na sabihin.

Wala siyang reaksyon paglapit ko pero nanatili ako sa tabi niya. Anong oras na at ganito ang sitwasyon namin. Napatingin ako kay Renz na nakatayo lang sa may gilid. Medyo nahiya tuloy ako dahil sa mga nasasaksihan niya ngayon pero alam ko namang maiintindihan niya ito dahil matalik silang magkaibigan ni kuya. Nagpapasalamat ako ng sobra don.

Nalipat ang tingin niya sa akin nang maramdaman ang titig ko sa kanya. Saglit lang ang titigan namin dahil sabay na kaming napalingon nang mabilis na umakyat si dad sa hagdan. Mukyang sinukuan na si kuya na nanatiling nakayuko lang.

Agad siyang sinundan ni mom pero nilingon pa rin kami. May kung ano siyang sinasabi habang walang boses pero hindi ko na naintindihan iyon.

"Tara Renz!" Parang nagkabuhay bigla si kuya nang tuluyang nawala sa paningin namin sila mom.

Lumipat ang tingin ko kay Renz mula kay kuya. Tinaasan ko siya ng kilay na parang nagtatanong kung ano ang tinutukoy ni kuya.

"Tara!" Tumayo na si kuya.

"Huh?" Lito niyang binalingan si kuya galing sa titigan namin. Hindi ata ako nagets.

"Inom tara!" At nauna na si kuya sa paglabas.

"Kuya hindi ka ba uuwi sa inyo?" Agad na habol ko. Malaki ang mga hakbang ni kuya at agad dumiretso sa kotse niya.

Hindi niya ako nilingon o sinagot man lang kaya binalingan ko ang lalaki sa likod ko.

"Saan ang punta niyo Renz?"

"Kung saan kami magdalas mag-inom nila James." Sabi niya at akmang lalagpasan na sana ako para lumabas.

"Sasama ako!"

"What? No!" Sabi niya. Nagkasukatan kami ng tingin.

"Sasama ako sa inyo at hihintayin niyo ko." Parang gusto ko bigla mainis dahil sa suot ko.

One Night Is EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon