"Na-try mo ba maging honest sa Papa mo?"

Umiling siya. "Ayoko nang bigyan siya ng sama ng loob."

"Pero sa gagawin mo, hindi malabong sasama talaga ang loob nun sa'yo." sabi ko sabay inom sa milk tea.

She exhaled, "Gagawin ko pa rin naman ang gusto niya. What I'm thinking is, if you can attend on my behalf, ipakita nating hindi pa ako ready ikasal, that I value my freedom for now, na ayoko pang matali sa kahit na sinong lalaki pa ang ipakilala sa akin."

"Paano natin yun gagawin?" no way, mukhang hindi maganda ang patutunguhan ng usapan na 'to -but no, Yuri, listen up and comprehend more.

"You know how lowkey I am, right? Most of my father's friends and acquaintances haven't seen me yet. Ipapa-make over kita sa araw na 'yun tapos pag nagmeet kayo nung guy, just show how eccentric and uncontrollable you are. Yung tipong matu-turn off siya sa'yo tapos nun, aayawan ka niya - which is like ako - and then hindi na nila itutuloy yung potential engagement na 'yan kasi hindi ako worth it. Then Papa will realize na he needs to accept my decision and stop bugging me about getting married."

Napanganga ako tapos biglang tumulo yung ininom kong milk tea mula sa bibig ko pababa sa baba ko hanggang sa leeg ko. "What the~" mabilis kong kinuha ang tissue na nakadikit na sa paper cup tapos ipinunas ko sa balat ko. Kadiri ha, Yuri! "Sure ka ba dyan sa sinasabi mo? Baka naman lalong magkasakit si Mr Yuchengco kapag nalaman niya ang totoo!"

She grabbed both of my hands tapos nagpa-awa effect 'yung facial expression niya. She knows her ways talaga e, tsk. "He won't know anything about it. Just a confirmation dun sa side ng guy na na-turn off sila sa'yo - na nagpanggap bilang ako - na hindi ako worthy so they can cancel the impending engagement. Yun lang naman."

"Nana, hindi lang ako ang nilalagay mo sa alanganin. Pati ang sarili mo. Okay, sige, matu-turn off nga sila pero don't you think about the long term effect of this? This may reflect to your father as well." I reasoned out.

She pouted her lips tapos inubos ang natitirang laman ng milk tea niya. "Then I can't think of any solution, Yuri. Akala ko ba tutulungan mo ako?"

"Willing naman akong tulungan ka noh, pero hindi sa ganyang paraan na iniisip mo. Loka-loka ka rin minsan e." inirapan ko siya. "Sabihin mo na lang ang totoo kay Mr Yuchengco para one-time big time na lang kung pagagalitan ka niya."

Umiling na naman siya, "Nope. Hindi pwede." umupo siya ng tuwid.

"At bakit naman?"

"Kasi um-oo na ako sa meet up." the she smiled brightly like nothing.

I face palmed. "Baliw ka na talaga, Nana."

"I'm about to tell the truth to Papa but when I saw the excitement on his face, hindi ko na kayang bawiin 'yung sinabi ko. Shin Yuri, please lang, isang beses lang naman 'to e. I'll make sure na di na kayo magkikita ulit for upcoming meetings. Pretty please?" pinagdikit niya ang dalawang palad niya at pa-sweet na nginitian ako.

I breathed in and out. "May choice pa ba ako?" I winced.

"Talaga? Talaga?! Uwaaaa~!" Nana pulled my hand and hugged me tightly. "Thank you, Yuri! I love you forever. I owe you my life! Don't worry, once this is over, kahit anong request mo gagawin ko para sa'yo." bumitaw siya sa yakap niya sa akin. And God, yung mukha niya ay parang akala mo nabunutan ng fossil ng dinosaur sa lalamunan sa sobrang relief.

"Ang lakas mo sa akin e, oo na! Basta i-promise mong isang beses lang 'to ha. Walang follow ups kundi sasakalin talaga kita." banta ko sa kanya.

She placed both of her hands on her chest like she meant every word she's about to say. "Of course, Yuri. You're the boss."

"Kapag nag-succeed itong plano mo, gusto kong ilibre mo ako ng all-expense paid trip papuntang Japan. Yun lang." nanliit yung mga mata ko, just trying to test the waters kung papayag siya. Malay mo 'di ba?

"Yun lang?" nag-cross arms siya, "Sisiw. Tss. Sure."

I made a finger heart sign, "Call."

"Pag nagkita kayo, just mess up."

--

Just mess up. I told myself habang nasa loob ako ng lift paakyat ng 28th floor kung saan ako nag-oopisina. I'm looking at my reflection in front of the entrance. I think I can pull this job off.

Sabi ni Nana, sa Friday daw ang meet-up. Wednesday pa lang ngayon. Bukas naman ay ipagsha-shopping niya ako ng damit at accessories na gagamitin ko. Anyway, wala naman daw akong gagastusin kaya um-oo na lang ako. I want this plan to be successful but at the back of my mind, nakaramdam ako ng guilt kasi paasahin namin si Mr Yuchengco tapos may sakit pa siya.

I shook my head, gaya nga ng sabi ni Nana, one time lang ito at hindi na mauulit. I just need to mess up. Madali lang naman 'yun.

Bumukas ang elevator pagdating ng 27th floor. Bigla akong napatayo ng matuwid kasi biglang pumasok yung Senior VP for Strategic and Finance ng pinapasukan kong kumpanya. Tumayo siya sa harap ko, at takte, ang bango ni Sir! Amoy mayaman! Ano kaya pabango nito? Jusko, as if namang afford ko at alam ko yung brand name 'di ba? Pinindot niya ang button ng 32nd floor.

Napatingin ako sa paligid at na-confirm kong dalawa lang kami sa loob at parang ang lapit naming dalawa sa isa't isa kaya umatras ako ng dalawang steps at sumandal sa pinakalikod. I exhaled and tried to calm myself down. Ang awkward. Bigla akong kinabahan, ewan ko kung bakit. Siguro dahil boss siya? Ganun naman e, kapag may kasabay kang bosses sa loob ng secluded area kahit sino naman ay kakabahan for no reason.

Pag-angat ko ng tingin, saktong nagtagpo yung paningin naming dalawa ni Mr Senior Vice President sa reflection ng screen door ng elevator. Awkwardness part two. Ang tagal namang mag-28th floor! Gusto ko nang lumabas.

"G-good afternoon, sir." I grimaced. I feel my hands sweating a lot. Ang OA ko yata.

"Good afternoon." seryosong sabi niya. Well at least bumati din siya sa akin.

Halos mag-novena ako nang tumunog ang intercom pagdating ng 28th floor. Makakalabas na rin ako sa wakas! I walked sideways na lang para hindi ako madikit sa kanya kasi syempre Senior VP siya at ako ay hamak na empleyado lang. But you know, it seems today's not my day. I accidentally slipped from my high heeled shoes tapos napasandal ako sa kanya.

What the heck, Yuri Shin? Umiwas na nga ako eh! I'm so dead!

Mabilis akong tumayo ng tuwid na parang walang nangyari. Lumabas na ako ng elevator tapos humarap sa kanya at nag-bow ng 90 degrees - kung paano ko na-measure yun ay hindi ko na alam - sabay nag-apologize. "Sir, I'm sorry, I didn't mean it."

"Don't worry, miss. It's understandable. Just take extra care not to be tripped over next time." he said on a baritone voice.

Umayos ako ng tayo habang unti-unting nagsasara ang elevator. Hmmm, ang gwapo ni sir sa angle na 'yan. Pwede pala 'yun. Elevatorgenic.

"Thank you, sir, sorry po ulit." Those were my last words until the doors were closed completely.

All along, I thought I'm done being awkward and making a fool of myself until today, Friday. The day of the meet up and posing myself as my best friend.

I blinked my eyes as quickly as I could hoping that I'm dreaming awake.

"Good evening, Miss Yuchengco. It's nice meeting you, I'm Trein Alexis Ryu."

At gumuho na ang mundo ko nang malaman ko na si Senior Vice President at ang potential engagement partner ni Nana ay iisa lang.

What are the fcuking odds?!

28thWhere stories live. Discover now