After Dusk 01

42 4 1
                                    

"Sadural, Lim, De Castro, Fuentes, Reyes, Manabat, Semana, and Santos, Group 5. You may now proceed to your groups" nagsitayuan kami at pumunta na sa kanya kanyang grupo


Di ko alam kung maiinis ba ako o maiiyak dahil sa mga kagrupo ko. Lahat sila walang silbi!


Yung isa walang pake at palagi nalang nakatutok sa cellphone, buti nga hindi nakikita at nacoconfiscate ng mga teachers.


Yung isa naman walang ibang inatupag kundi yung pagpapaganda sa sarili, kada segundo ba naman tinitignan yung sarili sa salamin.


Yung dalawa naman puro harutan, bakit ba napunta sa grupo ko itong malanding magjowa na to? ugh!


Yung tatlo walang ibang alam kundi magchismisan, hindi ba sila nauubusan ng topic? Di sila nauubusan ng ikukwento? Mas marami pa yung alam nilang chismis kaysa sa mga tinuturong lesson eh


At yung isa naman tulog nang tulog at umaasa nalang palagi sa mga ka grupo niya.


Lahat sila walang pakialam sa grades nila, may kanya kanya silang mundo, walang balak tumulong o magtanong man lang kung anong gagawin, mga pabuhat, in short dumbell.


Di ko alam kung anong plano ni ma'am at dito ako nilagay. Bakit sa mga pasaway pa at walang pakialam? Wala man lang nilagay kahit isa na matino bukod sa akin. Maaapektuhan nang sobra yung grades ko dito! Porket alam ni ma'am na magaling ako gumawa ng kanta ilalagay niya na ako sa grupo na 'to. Kung pwede lang mag solo ay nagawa ko na dahil expert naman ako sa paggawa ng kanta at kaya ko naman mag-isa pero bawal eh.


Group project sucks. Mas gusto ko talagang mag solo nalang pero wala akong magagawa. This will be another challenge for me.


"Leaders pumunta kayo dito para makabunot kung ano yung theme ng kanta niyo" tinignan ko isa isa yung members ko baka may gusto maging leader pero wala man lang tumitingin sa mata ko kahit isa. Tumayo na ako kahit di naman nila ako in-assign dahil halata naman na ayaw nila at hindi sila interesado


Ako yung huling bumunot kaya kung ano yung natira yung nakuha ko


Unrequited Love


Hmm, interesting. Bumalik na ako sa upuan ko at nagplano. Kinausap ko at tinanong yung mga kagrupo ko pero puro sila 'ikaw bahala' o 'kahit ano' yung sagot. Konti nalang masasapak ko na talaga sila eh, kahit konting cooperation lang sana grr


"Oh, 10 members pala yung group 1. Dapat 9 lang kayo, 3 yung 9 members at 2 yung 8 members. Sino yung gustong lumipat sainyo?" Lahat kami ay napatingin sa group 1 at sobra nga talaga sila. Nagtinginan sila at mukhang walang gustong magtaas ng kamay dahil sobrang ganda na ng grupo nila, sana all. Ang unfair naman!


"Kung wala gustong magtaas ako nalang pipili" pipili na sana si ma'am pero nagtaas ng kamay si Angelo


"Mr. Lacsamana, okay lang ba sayong lumipat?" nagreklamo yung mga kagrupo niya dahil mawawala yung pinakamagaling nilang instrumentalist. Napakagaling kasing tumugtog ni Angelo kaya pinag-aagawan talaga


"Yes ma'am"


"Pumili ka kung saang group ka. Group 3, 4 or 5?" Nagtaasan ng kamay yung ibang grupo except sa amin


Magtaas na rin kaya ako ng kamay? As if pipiliin kami ni Angelo, walang kwenta yung grupo namin. With high honors pa naman siya malamang pupunta siya sa grupong hindi ipapahamak yung grades niya pero bakit di siya nagstay sa grupo niya dapat ngayon? Yun yung may pinakaayos eh.


After DuskWhere stories live. Discover now