𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓞𝓷𝓮

1.1K 30 4
                                    

Sunday, wala akong work kaya naisipan kong tanguan na si Payton sa paggala. Bestfriend ko siya mula pa noong lumipat ako dito sa Manila.

Maganda siya, sexy at mayaman. Kung maitatanong niyo, siya lang naman ang nag-iisang tigapagmana ng isa sa sikat at tinitingalang four star hotel dito sa bansa.

Ilang araw niya na kong pinipilit na gumala pero lagi akong tumatanggi. Malimit na kasi kong lumabas ng apartment mula nang maghiwalay kami ni Max, ex-boyfriend ko.

Tama naman si Payton, sabi niya hindi raw ako makaka-move on at makakahanap ng iba kung nasa apartment lang ako lagi.

Kaya nga heto ako ngayon at nasa labas. Kanina pa kami ikot nang ikot. Ang dami na niyang nabili samantalang ako wala pa.

Hindi niya kasi ko katulad, wala akong kaya sa buhay. Wala akong mapagmamalaki. Pamilya nga, wala ako, eh.

Lumaki ako sa ampunan. Nagulat na lang ako isang araw may naghahanap daw sa'kin. Nagpakilala ang lalaki bilang papa ko. Syempre, pumayag sila sister na umuwi ako kasama niya. Kinailangan lang nila ng katunayan at naiuwi ako agad ni Papa.

Kaso lang, may iba na kasi siyang pamilya. Bukod sa impakta ang bagong asawa niya, mas malala pa ang dalawang stepbrother ko.

Isang araw pinalayas nila ko at walang nagawa si Papa. Nakakatawa nga, eh. Dapat kasi hindi niya na lang ako kinuha sa ampunan. Edi sana baka may mayaman pang nakaampon sa'kin. Iba sana ang buhay ko ngayon.

Ang mama ko naman, buhay pa. Iniwan lang niya kami noong pinanganak niya ko.

Mula nang magkahiwalay kami ni Max nagbago ang buhay ko. Gabi-gabi akong umiiyak hawak ang lumang litrato naming dalawa. Binigay ko ang lahat sa kanya kasi kala ko kapag ginawa ko 'yon hindi niya na ko iiwan pero napakatanga ko lang dahil mali ako.

Dahil sa kanya nagka-trauma akong magmahal ulit. Ang sakit kasi, sobra.

"Myghad, Janella! Move on!"

Natawa ko nang mabalik sa realidad. Hindi ko namalayan na nakatulala na naman ako kakaisip sa ex ko.

"Girl, sinama kita dito para magpaganda tayo. Paano ka magkakaroon ng bago kung pinababayaan mong ganyan ang sarili mo? You know naman na, right? May iba na siya," mahinahon pero may pabantang sabi ni Payton.

"Alam ko." Bahagya akong tumawa. "Saka hindi sa'yo bagay 'yan." Saka ko iniba ang usapan. Tumayo ako saka kinuha ang dress na kanina ko pa natitipuhan. Tumapat ako sa salamin at tinignan ang sarili.

"Maganda. Bilhin mo na, girl."

Bago ko siya sagutin palihim ko munang tinignan ang price. As usual, hindi ko afford.

"Kung ayaw mo, type ko." Inagaw niya sa'kin ang dress 'tsaka pumasok sa fitting room.

Napabuntong hininga na lang ako bago maupo ulit. Nagkatinginan kami ng assistant niya na kanina pa rin bored sa pagsunod-sunod.

"Nakakailang shop na ba tayo?" pabiro kong tanong. 

Ngumiti naman ito saka patagong natawa.

"Okay ba?" Biglang lumabas si Payton. Natulala ako dahil sa ganda niya.

"Sa'yo pala bagay. Para kang si Barbie."

"Barbie?" Nailing-iling siya, nakangiti habang tinitignan ang sarili sa malaking salamin.

"Bakit? Mali ba ko ng description? Sino ba gusto mong kamukha?" biro ko. "Nung tinignan ko 'yan sa'kin kanina, para kong tanga. Hindi bagay sa'kin. Iba talaga kapag yayamanin. Lahat bagay," dugtong ko.

"Ayaw mo kasing mag-ayos."

"'Di mo kasi ko katulad, Payton." Umiwas ako ng tingin. "Wala akong pera na panggastos sa sarili," mahina kong dagdag.

"Edi mag-ipon ka. Alam mo walang bagong manliligaw sa'yo kapag ganyan ka. Isa pa 'di siya gwapo para iyakan mo gabi-gabi."

"May pinagsamahan kami."

"Okay, nando'n na tayo sa part na binigay mo sa kanya ang lahat. So?? Wala ka ng mababago. Masaya na siya ngayon sa bago niya."

"Napakasakit mong magsalita," reklamo ko. "Kanina ka pa. Maya-maya lang mapapaalis mo na ko dito." Saka ako nagkrus ng mga braso.

"Sorry na. Libre na lang kita sa salon? G?" Pang-uuto niya naman.

Tumayo na ko. "Ikaw na lang. Uuwi na ko," paalam ko kaya mabilis siyang nagpa-cute. Hinawakan niya ko sa braso at niyugyog. Ganyan siya kapag ayaw niya pa kong paalisin.

"Libre ko na nga aayawan mo pa." Nag-pout siya.

Mahina akong napatawa. "Payton, hindi bagay sa'yo."

"Sumama ka na kasi."

"Kung alak ang inalok mo baka sumama pa ko."

"Puro ka alak. Masama 'yan sa liver," maarte niyang sabi. "Ganito na lang. What if mag-bar na lang tayo? But we won't drink. Sasayaw lang tayo to look for boys. Ano? Game? Makakalimutan mo do'n si Max."

Bigla akong napaisip.

"Come on, Janella. Please? Monday na ulit bukas at gusto ko munang magsaya ngayon!"

"Okay, fine. Pero 'wag mo kong iiwan ha? Kilala kita. Kapag nakakita ka na ng pogi bigla kang nawawala."

"Malamang! Duh! Alangan namang isama ka pa namin sa hotel."

"Ewww! Payton!" reklamo ko.

"May class naman lahat ng pinipili ko noh!"

Dahil tutuloy kami, pinauna niya ng umuwi ang assistant niya. Si Payton na ang mismong nag-drive papunta sa bar na gusto niya.

At dahil nga rich girl ang bestfriend ko, sa exclusive bar kami pumasok. 'Yung tipo ng bar na pagpasok ko palang mukha na kong ako ang pinakamahirap dito.

Maraming gwapo sa paligid pero mukhang playboy. Ayoko na sa mga katulad nila.

Habang sumasayaw kami ni Payton. May nakakuha ng atensyon ko. Hindi siya nakasuot ng mamahaling damit. Isa itong waiter na kanina pa pabalik-balik sa gawi namin.

"Type mo?" Lumapit sa'kin si Payton saka ngumisi.

Umiling agad ako at umiwas ng tingin.

"Kung gusto mo babayaran ko siya para sa'yo," biro niya pa.

Akmang tatawagin niya 'to nang may magkagulo sa isang gilid. Natakot si Payton at napaatras. Nagtago siya sa likuran ko.

In the end, wala rin kaming napala. Hinatid niya ko sa bahay nang hindi manlang ako nalasing. Mukhang maaalala ko na naman nito si Max at iiyak mamaya. Lintek na pag-ibig 'to.

"Bro, bukas na lang talaga. Nagkagulo nga kanina sa bar. Anong magagawa ko? Wala pang sweldo."

Natigilan ako sa pagpasok ng apartment. Siya 'yon. Siya 'yung waiter kanina sa bar. Tigarito siya?

Kumunot ang nuo ko sabay tingin sa paligid. Tama naman ako. Nandito ko sa tapat ng apartment ko. Bakit ngayon ko lang yata nakita 'tong lalaki na 'to sa neighborhood namin?

"Oo na. Oo na." Mukhang nagtitimpi siya sa kausap.

Anong gagawin ko? Ngingiti ba ko o papasok na lang? I'm sure 'di niya naman ako natatandaan. Dinadaan-daanan niya lang naman ako kanina.

Hindi ko alam kung bakit nakuha niya ang atensyon ko kanina. Pero kanina kasi sa lahat ng lalaki na nasa loob ng bar parang siya lang ang totoo. Gwapo siya, singkit, matangos ang ilong at may maninipis na labi. Matangkad din siya at medyo may kaputian. Malayo ang itsura niya kay Max pero nakuha niya pa rin ang atensyon ko.

"Kilala ba kita?" Huminto siya.

Nagulat ako. Hindi ko namalayan na kanina pa ko nakatitig sa kanya.

Walang lumabas sa bibig ko. Napailing lang agad ako sabay pasok sa apartment. Sinilip ko siya sa awang ng gate. Halata sa mukha niya ang pagtataka pero hindi rin nagtagal lumakad na rin siya paalis.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. 'Di pa ko nito nakainom. Mukhang hindi pa nga katapusan ng mundo.

The Day You CameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon