Chapter 33

1.6K 58 0
                                    

Bella

“SERIOUSLY, GIRL? Nagpunta ang Daddy niya para sabihin ang lahat ng ’yon?”

“Yes. at hindi ko alam kung ano ba’ng tamang gawin sa ngayon,” saad ko sa kabilang linya.

“You know, Girl, huwag mong iiwan si William. Huwag kang pumayag sa gusto ng stepdad niya, dahil sa bandang huli, si William at si William pa rin ang magdedesisyon kung ano’ng gusto niya,” Rikaela said from the other line.

“I don’t know, bahala na. Sa ngayon, pag-iisipan ko muna nang mabuti ang lahat,” I replied.

“Basta, Girl, lagi kong sinasabi sa ’yo, kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako,” she said.

“Thank you. Huwag kang mag-alala, Rikaela, makababawi rin ako sa ’yo,” I said.

“No! Alam mo, kay William ka dapat mag-thank you,” she said. Then, she hang up the call.

I took a deep breath bago sumilip sa kuwarto kung na saan si William. Nakita ko roon si William na busy sa pagtipa sa laptop niya. Naaawa na nga ako sa kanya. Simula nang pangyayaring ’yon ay hindi na siya umalis dito sa bahay. Halos dinala na niya ang trabaho niya dito sa bahay at ang gabi ay ginawa na n’yang umaga.

Isinara ko ang pinto at napansandal na lang ako sa pader. Alam kong sobrang mahalaga kay William ang company na iniwan ng mga magulang niya sa kanya, kaya hindi basta-basta ’yon. Kung mas pipiliin niya ako kaysa doon, hindi ako papayag. Kailangang mamili ni William between the company and me. Pero kung ako ang masusunod, mas gusto kong piliin niya ang company dahil mas mahalaga ’yon kumpara sa akin na isang hamak na disgrasyadang babae na nagpabuntis sa lalaking hindi ko naman kilala noon.

Natigil ako sa pag iisip ng kung ano-ano nang biglang bumukas ang pinto.

“Honey, what are you doing there?” tanong niya. Agad siyang lumapit sa akin. Hinapit n’ya ang baywang sabay hinalikan ako sa labi.

“William, we need to talk,” seryoso kong sabi.

“Talk about?”

“About sa sinabi ng daddy mo.” Kita ko agad ang pagdilim ng mukha n’ya.

“I don’t want to talk about it. Kahit ano’ng mangyari, hinding-hindi ko siya susundin. Sino ba siya sa buhay ko?” saad nito.

“But for the sake of the company, you need to choose between the company and me. For me, you should choose your family company over me,” malungkot kong sabi.

“No! Wala akong pagpipilian sa inyo. Oo, mahalaga sa akin ang kompanya, pero mahalaga ka rin sa akin!”  he said at kita ko sa kanyang mata na nahihirapan na rin s’ya.

“Oo, mahalaga kami pareho sa ’yo, but you need to choose kahit parehas pa kaming mahalaga sa buhay mo,” I replied.

“Bakit kasi kailangan ko pang mamili? Bakit kasi lahat na lang ng bagay na gusto ko sa buhay laging nandyan ’yong matandang  ’yon?” naasar niyang sabi.

Sandali kaming natahimik at wala ni isa sa amin ang gustong magsalita.

“I have a final decision.” Tumingin siya sa akin nang diretso at kita kong kinakabahan siya. “Mas piliin mo ang kompanya kaysa sa akin at magpakasal ka kay Sava—”

Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang ibato ang cell phone niya.

“No! Ayoko! Please, Bella. Hayaan mo naman ako ang gumawa ng paraan para matapos ang problemang ito.
Huwag mo lang akong iwan. Please, I’m begging you. Please, don’t leave me,” saad niya.

Hinaplos ko ang mukha niya at pinagsalikop ko ang mga kamay namin.

“Hindi naman ako mawawala sa ’yo. Oo, masakit sa akin na magparaya pero iniisip ko kasi ’yong mangyayari sa ’yo. Iniisip kita. Mahalaga ang kompanya ng pamilya mo kaysa sa akin,” saad ko.
Kasabay noon ang pagtulo ng luha ko.

“Don’t cry, Honey. Please don’t leave me. Gagawa ako ng paraan para maayos ang lahat, just please don’t leave me.”

Mas lalo akong naiyak nang makita kong umiiyak na rin ang pinakamamahal kong lalaki.

“You know, William, kahit kailan hindi na ako aasang magiging akin ka. Dahil ang layo-layo mo sa akin at hindi ako bagay sa ’yo,” saad ko.

Bigla niya ako niyakap nang mahigpit at ganoon din ako. “No, don’t say that, please? Trust me, matatapos din ito,” he said.

“But—”

“No, Bella. I can’t imagine watching you walk away and say goodbye!” he said at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

“I’m sorry, William. Ito lang ang alam kong mas makabubuti para sa company. I need to leave you.” Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya, pero ramdam ko roon na sobrang higpit ng yakap niya.

“Please, Bella. I’m begging you. Don’t leave me, please?” he asked. Mabilis na akong kumawala sa yakap niya at dahan-dahan na akong naglakad ’pag talikod ko.

“Bella, please?” he whispered.
Hindi na ako lumingon dahil baka hindi ko kayanin kung ano’ng makikita ko sa mga mata niya.

“Goodbye!” At tuluyan na akong umalis sa harapan niya.

A Beautiful Mistake [Published Under Immac]Where stories live. Discover now