Chapter 5

3.8K 152 0
                                    

Bella

BUONG MAGHAPON SA opisina ni William ay subsob ako sa pag-aayos ng sobrang daming papeles.

Minsan napapaisip din ako kung ano bang ginagawa nina ni William noong dati n’yang secretary.

Hindi na ako nag-lunch. Kinain ko na lang ’yong tinapay na binili ko kaninang umaga.

At ito namang si William, hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng inis or what, dahil hinintay ko talaga s’yang bumalik.

Pero almost five hours na ang nakalilipas ay wala pa rin siya. Minsan, tinanong ko ang sarili ko kung normal lang bang makaramdam ako ng pag-aalala at inis.

In the first place, wala naman akong karapatan. And second, I’m only his secretary. ’Yon lang ’yon.

Tinapos ko na lang isalansan ang mga papel na nagkalat. Nang matapos ako ay pumunta ako sa CR upang mag retouch at naisipan ko nang umuwi. Lumabas na ako ng opisina at laking gulat ko nang bumungad sa akin si William na pawis na pawis at medyo gusot ang suit n’yang suot.

“Sorry, Bella, ngayon lang ako. Ang dami kong inasikaso kaya hindi na ako nakabalik,” he said.

Kita ko sa kanyang mata ang pagod. Kinuha ko ang panyo sa aking bag at ipinunas ito sa kanyang noo at leeg na tagaktak ng pawis.

“It’s okay, Sir. Naiintindihan kong marami kang ginagawa,” sabi ko.
Habang pinupunasan ko ang pawis niya ay hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sa napakaamo n’yang mukha.

Para s’yang anghel na nahulog sa lupa or sapat na ’yong salitang perpect para  i-describe siya.

“Huwag mo akong titigan nang ganyan!” William said.

Agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa hiya.

“So-sorry, Sir. Mauna na po ako.” I excused myself, then lumakad na ako.
Pero bigla n’yang hinawakan ang kamay ko at hinatak kasabay noon ang pagdikit ng likod ko sa pintuan ng office at sabay lapat ng labi niya sa labi ko.

At namalayan ko na lang ang aking sarili na nagre-respond sa mga halik niya.

Buti na lamang at walang tao rito sa buong 15th  floor at medyo madilim na rin. Depende na lang kung makikita kami sa CCTV.

Ikinalawit ko ang dalawa kong kamay sa kanyang batok at hinapit naman n’ya ang baywang ko upang mas magdikit pa kami.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang halikan namin.

“’Di ba sabi ko naman sa ’yo, let’s continue what we are doing?” he said between our kissing scene.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at mas lalo pang diniin ang mukha niya sa akin.

Para akong uhaw na uhaw sa kanyang halik. Feeling ko nga ay araw-araw ko na itong hahanap-hanapin.

Pero mali ito. ’Pag nagpatuloy pa ito, baka malaman n’yang buntis ako at s’ya ang ama.

At baka hindi n’ya matanggap ang bata. Baka isa si William sa mga lalaking puro kasiyahan lang ang gusto, ’yong puro sarap lang.

Agad ko s’yang itinulak at kita ko ang inis at pagkabitin sa kanyang mukha.

“What?”

“Sorry, Sir, pero uuwi na ako.” At umalis na ako sa harapan niya.

Ngunit, naramdaman ko na naman ang paghatak niya sa akin.

Hindi ako tumingin sa kanyang mata, bagkus ay ibinaling ko ang aking tingin sa aking mga sapatos.

“Ihahatid na kita!” he said.

“No, Sir. No need, kaya ko naman po ang sarili ko.”

“Sa tingin mo, papayagan kitang umuwi nang ganitong dis-oras nang gabi?”

Sa pagkakataong ito ay tumingin na ako sa kanya. Napakaseryoso ng mukha niya na lalong nagpaguwapo sa kanya.

“Thank you, Sir, but—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na niya akong hinatak at pumunta na ng parking lot.

Mabilis na pinaandar ni William ang kotse niya. Halos maiwan ang kaluluwa ko dahil sa bilis nito.

Galit ba siya kasi nabitin siya sa halikan namin kanina?

“Ahm, Sir—” Tiningnan n’ya ako nang masama na akala mo ay may mali akong sinabi.

“What?” dagdag ko pa. “May problema po ba tayo, Sir?”

“One more time. Call me Sir, hahalikan kita.”

Tumahimik na lang ako dahil bigla akong kinabahan sa sinabi niya, kahit ilang beses na niya akong hinalikan.

Mga ilang minuto lang ang biyahe at agad din naman kaming nakarating sa apartment na tinitirhan ko.

Buti na lang nakauwi pa ako nang buhay. Ang akala ko kasi hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko, dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya.

“Thank you sa paghatid. Good night, William.” I said.

Palabas na ako ng kotse nang hawakan niya ang kamay ko.

Tiningnan ko siya nang may pagtataka sa mukha.

“Yes, Sir— I mean, William?” I asked.
“Nothing. Good night,” he said.

At binitiwan na niya ang kamay ko at tuluyan na akong lumabas ng kotse niya.

Bago ako pumasok sa loob ng bahay ay hinintay ko muna ang pag-alis ng sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

*****

William

HANGGANG SA MAKAUWI ako sa bahay ay hindi ko malimutan ang mga nangyari ngayon.

I'm so glad na nagkita kaming muli ni Bella. I don’t know what happened to me.

Hindi naman ako ganito sa mga babaeng nakaka-one night stand ko dati.

Pero si Bella, kakaiba siya. May kakaiba sa kanya na gustong-gusto ko.
Marami akong babae na nakaka-make out na mas maganda at sexy pa sa kanya.

Pero kung papipiliin ako, mas pipiliin ko si Bella. Ininom ko ang wine na nakalagay sa baso. Nang maubos ko ito ay kinuha ko ulit ang litrato ni Bella na nakalagay sa wallet ko.

Pinagmasdan ko ito at namalayan ko na lang ang sarili kong nakangiti. Itinabi ko na ito at pumunta sa kuwarto ko.

Hinubad ko ang sando ko at tanging boxers na lang ang suot ko. Humiga na ako sa kama at ipinikit ko ang aking mga mata.

*****

Bella

HINDI AKO MAKATULOG nang ayos dahil sa mga nangyari ngayong araw. Lalo ’yong intense part na nangyari sa amin sa loob ng office ni William. Hindi ako makapaniwala na magagawa ko iyon for the second time. Bumangon ako, dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.

For sure gutom na naman itong baby na nasa tiyan ko. Agad akong nagtimpla ng gatas at kumuha ng cookies sa ref at nilantakan ito.

Nag-text din ako kay Rikaela na pumunta siya rito bukas ng gabi at magdala ng isang box ng pizza. Agad naman s’yang nag-reply na baka medyo ma-late siya. Pero okay lang naman sa ’kin.

Nang maubos ko ang gatas at cookies ay bumalik na ako sa higaan at nahiga. Ipinikit ko na ang mata ko kasabay ng paghimas ko sa tiyan kong lumalaki.

“Good night, baby.”

A Beautiful Mistake [Published Under Immac]Where stories live. Discover now