PROLOGUE

2.9K 57 5
                                        

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please bear with me if I happen to have grammatical and typographical errors. This book (Altieri Mafias Series 1: Eleven) is under heavy editing.

Please also be reminded that in this story, the former education system was used. After the characters attended high school, they immediately went to college.

This story contains mature content. Read at your own risk.

You may now take your time to read. Thank you so much!


Altieri Mafias Series 1: Eleven

"Mahal mo pa rin ba ako?"

"Hindi naman kita minahal."

Paulit-ulit na panaginip. Pinapamukha ba ng mundo sa akin na nagkamali ako? Mali bang naging makasarili ako?

Ilang taon naman na ang nakalipas, bakit ba hindi ko pa makalimutan ang lahat?

Dahil ba naging malaking pagkakamali lang siya sa buhay ko?

Oo. Siguro. Baka nga.

Pagkatapos ng maraming pagsubok na dumating sa akin, I finally chose myself this time. Inuna ko na ang sarili ko sa lahat ng bagay para makabawi ako sa mga nangyari sa akin noon. Kailangan kong maibalik ang lahat ng nawala sa akin.

I finally became an architect after a lot of great hardships in life. Mabuti na lang din ay kaagad akong nakapaghanap ng trabaho. Makakapagsimula na ulit ako. Makakabawi na ako.

This is the start of a new journey.

Nang makapasok ako sa firm ay itinuro na sa akin ang magiging opisina ko. Maliit lamang ito ngunit maaliwalas pa ring tingnan dahil sa interior, mga halaman sa paligid at sa panoramic windows na nagbibigay sa akin ng view mula sa labas.

Habang nakaupo ako sa swivel chair ay bigla na lamang pumasok ang kasama ko sa trabaho at best friend ko, si Jenny.

"What the hell are you wearing?!" Bungad na tanong niya sa akin nang nakita niya ako. Imbis na i-welcome niya ako ay iyon pa talaga ang sinabi niya.

Nagsuot lang naman ako ng long fitted dress dahil sa pagkakaalam ko, magkakaroon na muna ako ng orientation para sa mga kailangan kong gawin bilang senior architect. Siguro naman ay hindi pa ako papapuntahin sa site ng on-going project ng firm.

"Eh, ano naman kung--"

Napahinto ako sa pagsasalita nang makita ko siya. Nanlaki ang mga mata ko. He's wearing a suit and he looked so professional.

He shouldn't be here. He can't be here... with me... again.

"B-Bakit nandito 'yan?" Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang nakumpirma kong siya nga ang nakita ko. "Bakit nandito siya? Bakit kasama ko na naman siya?"

Totoo nga ang sinasabi nila na may mga pagkakataon na parang biglang hihinto ang ikot ng mundo. Bumalik ang lahat ng alaala sa akin. Alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko, lalo pa't alam ko na hanggang ngayon ay taliwas pa rin ang gusto ng puso at isipan ko.

Dahil siya pa rin... Hindi naman 'yon nawala...

Naging makasarili ako. Siguro nga ay naging duwag din ako. Hinayaan ko lamang na harapin niya ang lahat nang mag-isa.

Hindi na maaari pang mangyari ito. Hindi na maaari pang bumalik ang lahat sa dati.

There is no need, it is no longer possible.

Pero...

Ano ba ang hindi na kailangan pang bumalik sa dati?

Mayroon nga ba?

Ano ba ang naging posisyon niya sa buhay ko? Naging ano nga ba kami?

Sino ka nga ba sa buhay ko?

Eleven (Altieri Mafias Series 1)Histórias para pegar e não largar. Descubra agora