Gusto kong sabihin sa kanya iyan, ngunit kahit papaano ay kaya ko pa ring pigilan ang sarili ko.

"And why are you saying that?" Umpisa ko, "You were with Ellie, for Pete's sake! Claire was still mad at me, and Shaney is with her! So what am I supposed to do? Mababaliw na ako sa school, to the point that I just wanted to go home. Leona asked me for lunch, you know how I felt? I felt relieved kasi at least someone is still interested to be with me." Iritado kong sinabi at pinilit na huwag maiyak, this is nonsense, why should I even cry for it.

Hindi siya nagsalita, at mas lalong umigting ang kanyang panga.

"But you can't just let him touch you like that, that is beyond your limit, Neterini, iyon lang naman ang sinasabi ko." Mas kalmado niyang sinabi.

"I let him touch me if I want to! You don't have to render me orders! If I didn't feel comfortable by his touch, I would've just avoided it!" Pahiyaw kong sinabi sa kanya dahil napigtas na talaga ang pasensya ko.

I am mad, and kanina ko pa ito kinikimkim sa school, whatever the reason is, it's Ellie! Taking everything from me, even Claire!

Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang sarili kong umiyak, ngunit mas mabuti na rin 'yon.

Luckily, nakarating na kami agad sa basement ng building, "Huwag mo na akong hintayin, I won't go to school anymore. I'm tired." Paalam ko at mabilis na pumasok sa loob ng building.

The building has only one floor active, at doon kami nags-stay nila Mommy, maging dito sa baba ay may bodyguards, they are wearing black suits which indicates that they're not just bodyguards with guns. Nang makarating ako sa fourth floor ay mabilis akong sumalampak sa kama, I'm sure Mom is with Dad, right now, and I chose to immediately go to bed.

Nang napagtanto kong basa pa rin ang damit ko ay mabilis akong nagpalit ng damit. I felt my phone vibrated several times but I didn't mind it anymore. Hindi ko rin namalayan ang tuluyang pagtulog ko.

The next thing I knew while I am deeply asleep ay vibrate nang vibrate ang cellphone ko, pinilit kong imulat ang aking mga mata at nang makita ko kung sino ang tumatawag ay nanlaki ang aking mga mata.

"T-tita Sope," hindi makapaniwalang litanya ko.

Tumitig ako nang matagal sa screen, there are also several missed calls, halatang kanina niya pa ako tinatawagan. Lumunok muna ako bago ko iyon sinagot.

Mabibigat ang kalabog ng puso ko, at nanlamig ang aking mga kamay.

"H-hello, Mama?"

"Neterini! Gosh, thank God! Akala ko ay hindi mo na sasagutin!" She sounded mad.

"B-bakit po? May nangyari po ba?" Mabilis kong tanong sa nanginginig na boses.

As far as I know, Tita Sope barely gets angry time by time.

"Your father is rushed to the hospital! Gosh! Where have you been?! Tinatanong kita kay Claire, but she never answered me! What the hell is happening?!"

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lamang akong kinabahan. And I could remember, this kind of feeling only occur when Jackson is anywhere around.

Why? Do I care that much? Too much?

Isinantabi ko ang nararamdaman.

"I-I'm on my way, Mama." Nanginginig ang labing sagot ko.

Hindi na ako nagpadalus-dalos pa. I already know where Tito Alexandro is confined.

Hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng taxi, aligagang-aligaga at hindi makapaghintay na makarating doon. Hindi ko alam kung anong dapat kong unahin, kung pipigilan ko ba ang sarili kong mag-alala o hahayaan ko na lamang ito.

Not A Fairytale✔Where stories live. Discover now