CHAPTER 10- COMFORT ZONE

En başından başla
                                    

"Yeah, kayo. Hindi naman puwedeng kami? C'mon, Marci, bakit ba ang init ng ulo mo?"

"Alam mo naman pala, ginagatungan mo pa."

Tinalikuran ko na siya. Wala akong balak na makipagkita sa lalaking iyon. Busy ako, marami akong gagawin. Hectic ang schedule ko sa araw na ito.

Magluluto ako, kakain, magbabasa at matutulog tapos pagkagising ay magluluto ulit, kakain at magbabasa pagkatapos ay matutulog ulit. See? Busy. Ako.

Dire-diretso ako sa flat ko. Napakunot-noo na naman ako dahil sa nakaawang pa nang bahagya ang pintuan.

Tahimik na pumasok at nakiramdam. May tao, nararamdaman ko.

I bluntly declared, "Come out and get lost, whoever you are, before I lose my patience with you! I'm not in the mood for your nonsense!"

Lumabas mula sa kusina ang haduf na Gabriella. May fried chicken pang bitbit at ngumunguya-nguya pa.

God! Parang bata talaga! Sumasakit ang panga ko sa kaniya.

"Hi, Ate Marci," pa-cute niya pang saad.

"Magkambal tayo. Sabay tayong nabuo though nauna akong ipanganak dahil hindi naman puwedeng magsabay tayong lumabas sa ano ni Mom. Huwag mo akong ina-ate-ate! Buwisit ka!"

Nanlaki naman ang mga mata niya pagkuwa'y umaktong parang nasaktan sa sinabi ko at tila ba paiyak na.

"Ang sama mo naman, Marciella! Sumbong kita kay Mom na binibuwisit-buwisit mo ako!"

"Go, gusto mo samahan pa kita, eh," seryoso ko ng saad at sinamaan siya ng tingin. Nakita kong napalunok pa siya.

"Joke lang! Ito naman, 'di na mabiro. Dinala ko lang naman dito ang mga librong binili ko," aniya sabay nguso sa dalawang box na bandang nasa glass cabinet ko.

"Sinabi ko bang bilhan mo ako?" pagsusuplada ko pa pero may kung anong excitement akong nararamdaman.

Alam na alam talaga ng bruhang ito ang kahinaan ko at 'yon ang ikinakainis ko.

"Hindi. Bawal ba ang voluntarism ngayon? Saka nagpromise ako na bibilhan kita nong araw na sinamahan mo ako sa office ni Ashmer, 'di ba?"

"Ah, yeah, oo nga pala," sarkastikong asik ko.

"Zsss! Saka ang isang box naman para don sa..." Napataas-kilay naman ako. "Doon sa..." putol niya na naman sa sasabihin niya.

"Bakit ayaw mong ituloy?"

"Itutuloy na nga! Huwag ka ngang intrimida, kailangan may pa-surprise effect eh."

Nyawa talaga! Haduf! Surprise effect pa nga eh alam ko naman na ang gusto niyang sabihin, eh.

"Doon sa pagsabi ko kay Kuya Ashmer na Ashell 'yong name ng favorite car mo."

Nanliit na naman ang mata ko. Parang nabuhay ulit ang inis ko sa kanya. Nakahalukipkip ko na siyang hinarap.

"At bakit kuya na naman ang tawag mo sa kanya?!

"Eh? Ate kita..."

Inambahan ko siya ng suntok pero nakalayo agad siya. "Tigilan mo na ako, Silang! Sisilaban ko na talaga ang masikip mong flat dito!"

"Hindi na nga! Hindi na mabiro," natatawa niya pang saad. "Saka anong masikip? Ang mahalaga Marciella, nakakahinga pa naman ako. Kaysa naman sa iyo, malapad pero tingting lang naman ang nakatira," pahinang-pahina niyang sambit.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata. "Anong tingting?!"

"Ha? Anong tingting? Wala akong sinasabi Marciella ah?"

A Forbidden Affair (Guieco Clan Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin