000003x

18K 228 37
                                    

 000003x

RIP Fingernails

 

"Aray ko! T-Teyah!!" hirap na sigaw ni Jaxon habang nasa harap ko ngayon. Pinapasok kasi siya ni Thea after nyang magdoorbell ng ilang paulit. Muntik pang magising si Saskia!

Anong ginagawa ko sa kanya? Hinihila ko yung necktie nya para humigpit at para masakal sya. Nabbwisit ako. Hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niya kanina. Bilang ganti, kung anong formal dress na lang yung kinuha ko at isinuot. Simple lang yung itsura ko, halos hindi ako naglagay ng make-up dahil bwisit na bwisit ako sa kanya.

Buti nga hindi nagiging yung dalawang bata sa pagdadabog na ginagawa ko. Sa kalagitnaan ng pagdadabog na yun ang pagdating ni Thea. Buti pa sya, alam nyang may lakad ako ngayon. Tinatawanan pa ako dahil hindi ko rin naman pala matitiis si Jaxon.

Pero kinwento ko sa kanya yung ginawang pagtawag ni Jaxon sa akin habang may pusang kasama. Buhay pa kaya yung babaeng yun ngayon? Kung sino man sya.

Lalo pa tuloy akong naging comedy show sa kambal ko. Tuwang tuwa sa naranasan ko. "Gusto mo rin naman. Ano? Hot ba yung sounds?"

"Maganda sana kung hindi si Jaxon yung nakikita ko pag naaalala ko yung sound! TIgilan mo ako, Thea... nangingilabot ako sa mga pangyayari. Mapapatay ko talaga yun pag dumating!"

 

So here we are, kulang na lang talaga putulan ko ng hininga tong isang to. "Ano ba, Teyah! Ano bang nagawa kong kasalanan?!"

Nagpuyos yung galit ko. Ang lakas ng loob magtanong nito!

"UNA!" Hinapit ko ulit yung necktie niya. "TUMAWAG KA SA AKIN NANG MAY KA-SEX NA PARANG PINAPATAY NA PUSA!" Sumisigaw ako pero sinisigurado kong hindi magigising yung mga bata. Wag kayong magtaka kung paano, ako lang nakakaalam nun.

Iniikot ko na sa kanang kamay ko yung dulo ng tie. "PANGALAWA! KUNG MAKAPAG-DOORBELL KA KANINA, PARA KANG HINAHABOL NG KUNG ANONG MALIGNO..."

Sunod kong ginawa eh piningot ko sya. "PANGATLO, IPAPAHAMAK MO NA NAMAN AKO! SAN BA TAYO PUPUNTA?"

Wala syang nagawa kundi ang magpumiglas hanggang sa makahiwalay sya sa akin. Umuubo-ubo pa sya dahil sa pagkakasakal ko sa kanya.

"Sorry, okay?" inayos-ayos nya yung suit nya, niluwagan din niya tie. "I was too caught in the moment. I saw the time and I panicked! But... I cannot just leave the girl unsatisfied, Teyah. You feel me?"

"Hindi kita feel! Walangya to! Edi sana minadali mo na lang whoever you were screwing!"

"As I said, hindi ko nga alam gagawin ko. After kong makipag-sex dun sa babae, I know makakalimutan ko. That's why I made sure I called you."

"You're an incorrigible pervert, Jaxon! Bakit ba kita kaibigan?" sinamaan ko lang sya ng tingin. Nagpaalam na ako kay Thea at lumabas na ng unit namin. Maniwala man kayo't sa hindi, hindi ko na kayang makipag flirt sa kanya. After everything that have happened with all of us, naging labasan ko ng sama ng loob yang si Jaxon. We've grown close with Loislane's departure.

Kaya ganyan kami ngayon dahil nabbwisit ako sa kanya. Kahit sabihin pang mas matanda sya sa akin ng ilang taon, dahil kasing-age sya nila Ate Pao, aba! Hindi ko kinakaya yung pinaggagawa niya.

"Because you have a crush on me." He said it in a singsong voice.

"Hindi kita naging crush. I was flirting with you dahil wala akong magawa. Nandidiri talaga ako! Kung makakarinig man ako ulit ng ganung sound, hindi mula sa inyo, sa iyo... at kung kanino mang babaeng makati!" Nanggagaliti kong sabi.

The Virginity Snatcher (SPG Girls #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon