000001x

35.8K 330 41
                                    

000001x

Blade

"Mam, ito na po lahat. Thank you." ngumiti ako at kinuha yung paperbags na naglalaman ng mga damit na binili ko. Kakaunti lang naman ito. Isinabay ko lang sa pagbili ng susuotin ko para sa binyag ni Saskia.

Inaanak ko si Saskia. Actually, naming lahat. Anak siya ni Ck and ni...Loislane. Just thinking about her and how she left makes my heart sink. Hindi pa rin talaga lubos na tanggap ng utak ko yung nangyari.

Kaya ito kami, hands-on god-mothers and god-parents to her. We're helping her Dad a lot with her. Minahal na rin namin sya as our own kahit na three months pa lang syang nailalabas ng hospital.

Lumabas ako nung store at dumiretso sa isang coffee shop kung saan ko hihintayin si Thea, my twin.

Nag-vibrate yung phone ko at nakita kong nagtext si Jaxon.

From: Jaxon

Can I ask you a favor?

 

Napaface palm lang ako. Ito na naman tayo, the last time I agreed to this guy, muntik na akong mahulog sa hagdanan. Tatampalin ko to eh.

Ano na naman yun, lover boy?

 

From: Jaxon

Will you be my date sometime next week?

 

Kung dati kinikilig ako sa paggaganyan nya, ngayon hindi na. Lagi na lang ako! Lagi na lang ako! Mali yatang pinatulan koi tong isang to. No, don't get me wrong... he's good looking. Silang magkakaibigan, puro pang-modelo ang mukha't katawan. Ito talaga, pumalya sa ugali at sa mga kalokohan.

Ibang kalokohan kasi yung gusto ko... just kidding! Anyways, I was just flirting with him. Wala namang masama dun. We need to live in the moment.

Jax, I'm not yet sure. I'll tell you if I can. Reply ko sa kanya agad. Ang totoo, nagdadalawang isip ako at wala talaga akong gagawin next week kundi mag-aral, maglakwatsa, at mag-aral ulit.

"Teyah!" may kumalampag ng table sa harap ko. "Ay, Thea!" nakita kong umupo sa harap ko yung kambal ko mukhang nagtataka sa itsura ko. "Oh? Problema mo ngayon?" tanong niya.

"SI Jax, nanghihingi na naman ng pabor." Ngumuso ako sa harap nya at napabuntong hininga. Narinig ko syang tumawa ng mahina, "Oh ano? Game ka?"nangingiti nyang tanong sa akin, it would've mirrored my own expression if... if the situation's different. Kung hindi si Jax or kung hindi nanghihingi pabor.

We're identical twins, by the way and our name sounds the same but is spelled differently. We both have long hairs – mine's super straight, hers is wavy; magkasingtangkad kami – 5'4"

Anong pinaglalaban ko? Na kahit kambal kami, may pinagkaiba pa rin kami. Pero hinahayaan lang namin yung mga tao sa paligid namin kung paano nila kita differentiate  from each other.

"Tigilan mo ako, kambal ah."

"Sige kasi makipagexchange pa ng number. Psh." Inirapan lang ako ng kambal ko.

"Why don't you try it? Para naman magkakulay yang mundo mo?" umiling lang sya sa akin, "Wag niyo akong itulad sa inyo ni Ate Pao. I'm happy where I am. Ayaw kong isiping gumanyan. I'll cross the bridge when I get there." Tumayo sya para mag-order ng kape nya na alam kong kailangan nya't galing sya sa school. She needs her daily dose of caffeine. Napabalik sya ng wala sa oras para tanungin ako ng gusto ko, "Yung usual. Black." Ewan ko ba dito, alam naman nya kung ano kailangan pang itanong.

The Virginity Snatcher (SPG Girls #2)Where stories live. Discover now