000002x

22.9K 246 43
                                    

000002x

Pinapatay na pusa

 

It's Blade! The same Blade na sumalo sa akin kanina nang madulas ako sa mall. Naramdaman kong uminit yung mukha ko at alam kong pulang-pula ako ngayon dahil naalala ko na naman yung katangahan ko kanina.

He's wearing a black jacket with his white stripes polo shirt inside. Nandun sa parehong yun yung logo ng pizza restaurant. And then he's wearing a navy blue almost black pants with a baseball cap on. Tinanggal niya yun at inayos yung buhok nya.

Ngumiti sya ng nakakaloko na naging dahilan para mawala yung mga mata nya. In-offer yung dala nyang dalawang box ng Pizza. "Pizza, Mam Teyah?" natinag ako sa pagkakatayo ko dun at medyo tumaas yung boses.

"OH MY GOD! BLADE! You're Blade!!" Biglan naman akong nataranta dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makapaniwala na isang tulad nyang mukhang model kanina sa mall eh... pizza delivery boy.

"Bakit ka sumisigaw dyan, Teyah?" paglapit ni Ate Pao sa akin. "H-ha... kasi! Kasi, ate!"

"Ano nga?" Napatingin sya sa pintuan at nakita niya si Blade na nakatayo lang dun, napa-turn yung ulo niya sideways, "Oh, ito na pala yun pizza. Kaya ka ba sumisigaw?" hinawi niya ako patabi at kinuha kay Blade yung boxes. "Hindi ko naman alam na gutom ka pala talaga. Buti na lang nag-order ako." Inabot nya yung bayad kay Blade at nagpasalamat. Hindi pa man ako nakakasagot eh sinara nya na yung pinto.

"ATE! Bakit mo sinara yung pintuan!!" Agad agad ko namang binuksan ulit yung pintuan hoping na nandun pa si Blade.

Pero sa pagmamadali at sa katangahan ko sa buhay, naiuntog ko sa sarili ko yung pintuan.

FAKSHET!

Masakit yun!! Napapikit at napahawak ako sa noo ko dahil yun yung tumama. "Teyah!" Naramdaman kong sinakop ng malalaking kamay yung mukha ko. Dumilat ako para makita si Blade na nasa harap ko, "Okay ka lang?" Nagulat ako at napasigaw ako ng diniinan nya yung part kung saan alam kong may magfo-form na bukol pag nagtagal. "MASAKIT! Pota, magtatanong ka kung okay ako tapos diniinan mo yung nauntog." Napakamot sya sa batok nya.

"Sorry. Para lang naman hindi na magkaroon ng bukol, hanggang pasa na lang." inilagay nya sa likod ng tenga ko yung strands ng buhok kong kumawala sa pagkakaikot nito sa ulo ko. Eh bakit kinikilig ako? "Pero seryoso, okay ka lang?" Inilapit niya yung mukha niya para masuri yung noo ko. Pero wala akong pakialam sa tanong niya dahil ka-level ng mga mata ko yung labi niya. Halos maduling ako kasi dun lang ako nakatitig.

Natinag lang ako sa pagkakahumaling ko dun sa labi niya nang mawala yun sa line of vision ko at pumalit yung singkit nyang mata. "Teyah?" kita mo yung pag-aalala sa mukha niya. Napadiretso ako ng tayo at napasapo sa noo ko, "A-ay, Blade...okay na ako. Thank you nga pala ulit kanina." Nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis.

Napangiti sya ng kaunti, "You're welcome. Mag-iingat ka sa susunod." Napansin niyang nasa loob na sya ng unit namin kaya umatras sya palabas at nahihiyang ngumiti. "Sige, bye! Thank you din pala." Itinaas nya yung bag na pinaglagyan nya ng inorder namin kasama yung bayad at tuluyan nang lumiko kung nasan yung elevator.

Isinara ko na yung pinto at dumiretso sa dining table kung saan nakahain yung pizza. Pero Shit! Pangalawang beses ko na syang nakita at lahat ng yun may nangyayaring katangahan sa buhay ko. Yung totoo?

Umupo ako at kumuha ng isang slice ng Pepperoni pizza. Hindi ko feel kumain kasi masakit yung noo ko! Plus, naalala ko na naman yung katangahan ko at naalala ko si Blade. Bakit ang pogi niya? At bakit sya nagde-deliver ng pizza?

"Anong nangyari sa noo mo?" tanong ni Thea sa akin na kalalabas lang ng kwarto niya. Lakas talaga ng pang-amoy nito pag may pagkain. "Nauntog sa pintuan."

The Virginity Snatcher (SPG Girls #2)Where stories live. Discover now