Chapter Thirty Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

 

 

Natawa naman si Lawrence sa asawa. Ang cute lang isip niya. 

 

 

"Aalis nga pala ako." Sabi ni Lawrence habang nakatingin sa TV.

 

 

"Kelan ka ba hindi umalis." Bulong ni Noneen sa sarili. Pero di niya alam narinig siya ng asawa niya. 

 

 

"Nagtatampo ka na nyan?" Tanong nito sa kanya.

 

 

"Ewan ko sayo umalis ka na nga kung meron ka mang pupuntahan." Sabi ni Noneen tsaka tila ba lumalayo ito sa kanya. Napangiti naman si Lawrence tsaka tumayo at kinuha ang cellphone niya sa table.

 

 

Para namang biglang nabadtrip si Noneen. Taragis, sinabi ko lang umalis no, umalis nga! Isip nito. Nakatingin lang siya sa TV, hu hayaan na nga yung gurang na yun.

 

 

Bigla namang lumapit ito sa kanya at tumayo sa harapan niya.

"Aalis na ako. Babalik ako bago mag 5." Sabi nito sa kanya pero hindi lang siya nagsalita. Pero laking gulat niya sa ginawa nito na susunod. Tinapat nito ang mukha niya sa kanya. Naramdaman niya tuloy ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.

 

 

Jusko Lawrence.

 

 

Pero mas lalong nagulat siya ng biglang lumapat ang labi nito sa labi niya. Napapikit siya at ayan na nga. HInalikan siya ni Lawrence, kaso ewan ba niya. Pero hinalikan niya ito pabalik. Ayaw man niya, pero para bang kusang gumagalaw ang katawan niya. Ayaw sundin yung sinasabi ng utak niya. Shet lang. Napahawak pa siya Lawrence sa pisngi niya tas mas lalong nilaliman ang halik niya dito. Tsaka lang ito humiwalay at ngumiti sa asawa niya.

 

 

"Later." Mahinang sabi ni Lawrence at hinalikan sa ulo at tsaka na tuluyang umalis. Napatingin lang siya sa asawa niya na dere-deretsong lumabas. Napakagat siya sa labi niya. 

 

 

Napabuntong hininga siya.

 

 

"Anong nangyari ulit?" Tanong ni Noneen sa sarili niya at bigla siyang napakamot sa ulo niya. May nangyari ba? Isip nito. Napailing na lang siya at binalik ang atensyon sa TV.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon