Chapter Twenty Six

274K 2.4K 266
                                    

Halos hindi maipinta ang pagmumukha ni Rhian. Paano naman kasi dalawang oras na syang naghihintay sa entrance. Ilang estudyante na nakita niyang pumasok at dumaan ng red carpet pero hanggang ngayon wala pa rin yung lintek na date niya! Hindi naman siya makapasok kasi nga pagwala kang date di ka makakadaan ng red carpet! Aba lintek. 



Tiningnan niya ang cellphone niya. Pinindot niya ang numero ng uhugin na yun tsaka tinawagan kaso wala, nga pala na sakanya ang cellphoen nito. Ay mali, binigay na nga pala ito sa kanya. Ngayon wala siyang number nito. Paano nya ngayon macocontact yung lalaking yun?!



"Arghhhh! Kaimbyerlalung making looking waiting shed beauty ng goddes perfection na aketchiwa!! Ahhh! Must kill that tulong sipong lalakweng pag make dating siya now na! Promiselalu!" Nabwibwisit na bulong ni Rhian sa sarili. Ano ba naman kasi to, 6 o'clock na't lahat lahat. Malapit na magsimula yung ball!!!



"Pag yun may pagrand entrance kerytuts na knowing nako I'll make jombag his uhuging feslak!" Sabi ni Rhian. Napabuntong hininga siya,  hinila na lang niya ang gown niya at tinaas tsaka naglakad papunta sa may upuan. Huminga siya ng malalim, hindi siya pwedeng mabwisit. Masasayang lahat ng pinaghirapan niya para magpaganda at magayos para sa ball na to. Sayang makeup, sayang effort.



"Relax lang Rhian...sayang ang ganda mo ngayon mali maganda ka na talaga since birth." Sabi nito sa sarili. Mga ilang minuto rin niyang kinakausap ang sarili ng may sa wakas. May kotseng huminto sa harap niya. Napatingin siya dito, nakita niyang lumabas ang driver tsaka binuksan ang pinto sa passenger's seat. 



Aba grabehan na to ha. Hindi lang to uhugin, tamad din. Parang magbubukas lang ng pinto! Isip niya. At sa wakas nga nakita na rin niya ang taong kanina pa niya hinihintay. 



"Finally." Bwisit na sabi ni Rhian. Tsaka tumayo at lumapit kay Marco. Nakita niyang ngumiti ito sa kanya. Sa totoo lang gusto niyang magsisigaw dito, sa sobrang bwisit. Pero hindi niya magawa eh, nakakahiya. Nung nakalapit na siya kay Marco nakita niyang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay niya.



Ano nanaman bang problema nito?



We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon