Chapter Ten

315K 3.2K 199
                                    

Nagkatinginan silang dalawa. Walang gumagalaw. Nakikiramdam sa isa't isa. Hindi alam ni Noneen kung ano ang gagawin, kung ano ang iisipin at kung ano ang mararamdaman. Ano kayang mangyayari sa kanila ngayon? Lalapitan ba sya at sisigawan? Papagalitan? 

Kasalanan mo kasi to Noneen! Ba't nagpapahalik ka ng bigla bigla! Sabi ng isip niya. Pero hindi din, ano bang malay nyang hahalikan sya ni Ralph?



 Nakita niyang humakbang ito papalapit sa kanya. Napalunok sya. Hindi niya kasi malaman kung bakit bawat hakbang na ginagawa ni Lawrence..



Pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib niya. 



Ibang iba kasi ang aura ni Lawrence. Yung tipong parang kada hakbang nya, feeling mo malapit ka na sa impyerno. Hindi naman sa mukhang demonyo si Lawrence pero yung pakiramdam na binibigay niya.



Nakakatakot sobra.



Isama mo pa yung matalim na tingin niya. Kung siguro nakakapatay ang tingin, kanina pa walang buhay si Noneen. 



Ilang hakbang na lang ang layo nila sa isa't isa. Ano kayang gagawin ni Lawrence? Bubulungan ba syang maguusap tayo? May sasabihin man lang ba sa kanya?



Wag kang umasa gaga! Younger friend ka lang diba?? Di ba?? Sabi ng isip ni Noneen. Pero may parte ng puso nyang nagsasabing..



magselos ka naman..



Pero wala, isang kaibigan nga lang di ba? Wala nang iba. Nabato sya sa pwesto niya, bakit? Nilagpasan lang naman siya ni Lawrence. Parang wala lang, parang isang teacher na naglalakad sa hallway.



Grabe, wala nga talaga syang pakealam. Gaga ka kasi, ano bang iniisip mo! 



 Napayuko sya. Bakit ganito yung nararamdaman niya? Bakit parang may iba syang inaasahan? Bakit parang nararamdaman niya, nasasaktan siya? Talaga bang walang pakialam si Lawrence sa kanya? Pinalo nya ang noo.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon