Chapter 4 : NO TRESPASSING

Magsimula sa umpisa
                                    

“Alam mo naman na hindi ko magagawa sa kanila yon”


“Ou alam ko pero sino may gawa-----” narinig na namin na paparating na ang mga pulis at si Tita papalabas na ng bahay isinisigaw ang pangalan ko


“Nathaniel ano ang gagawin ko?”

Hinawan niya ng mahigpit ang kamay ko “Sumama ka sa akin”

Laking pasasalamat ko dahil dumating si Nathaniel makakaligtas ako sa bruhang Tita ko at sa sinungaling niyang anak

Nagmadali kaming pumunta sa kotse niya, pasakay na ako

“hindi ka pwedeng umalis!!” biglang sumulpot si Tita sa tabi ko at hinatak niya ako pababa ng kotse

Agad naman tinagal ni Nathan ang pagkakahila sa akin ni Tita at pinipigilan niya itong makalapit sa akin


“umalis ka na!!” sigaw sa akin ni Nathan,


“Pero Nathan pano ka!!?” alangan kong pagalis


“Ako na bahala dito!!!”

Nakita kong papalapit na ang anak ni Tita kaya tumakbo ako pero hindi pa ako nakakalayo lumingon ako sa kanila


“magkita tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkita!!” sigaw ulit sa akin ni Nathaniel habang inaawat niya si Tita Irma at ang kanyang anak

Tumungo ako sa kanya, dumating na ang mga pulis at nagbabaan sa kotse

Itinuturo ako ni Tita at isinisigaw na ako ang killer kaya binilisan ko na ang takbo

Sa huling lingon ko sumakay ng mga kotse ang mga pulis kaya limiko ako sa mapunong lugar  

Patuloy parin ang pagtakbo ko, hindi ko alam kung saan lugar ako dinala ng aking mga paa, Sa tuloy tuloy kong pagtakbo hindi ko napansin na meron palang bangin

Gumulong ako pababa hanggang bumaksak ako sa mga tuyong dahon at dumeretso sa batis tumama ang ulo ko sa bato sanhi ng pakawala ko ng malay

…..

..

.

.

Nakaramdam ako ng mga patak sa buong katawan at ilang sandali bumuhos ang malakas na ulan

ALICE { o n  g o i n g ...}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon