"samahan na kita dun?" nakangiti kong sabi, kahit alam ko nman na tatangihan lang niya ako, 

"ako na lang, last na nman to" nakita ko sa mga mata ni rowena ung lungkot at kawalan ng pagaasa, 

"mag papaalam na sana ako wena, babalik na ako sa new york" hinawakan ko ung kamay ni rowena, hinde ko na siguro iintayin na dumating ulit si mike para makita ko na wala na talga sakin ung unang babae na minahal ko, kasalanan ko nman lahat, kung pwede lang ibalik ung nakaraan matagal ko na siguro un ginwa

"kailan balik mo? lahat na lang ba kayo iiwan ako?" hinatak ko ung kamay ni rowena para maakap ko siya, ayokong bauin sa pag alis ko ung mga luha niya, nde ko din naman kasi masasagot kung kailan ako babalik, lalo na at dun na kami titira ng buong pamilya ko

"kahit nman wala ako, meron nman facebook, skype, ym, cellphone matatawagan mo ako tatawagan kita, kahit di mo ako kasama dito, kahit mag kalayo tayo ako pa din ung kaibigan mo na si bert"  ramdam ko sa damit ko ung luha ni rowena, alam kong nadagdag ako sa kalungkutan niya ngayon pero alam ko na hinde ako ung tao na kailngan niya para sumaya siya, dahil sa loob ng tatlong taon sinubukan kong palitan si mike sa puso niya, pero kahit anong gawin ko, wala hinde ko siya maalis sa puso ni rowena

"sige na nga hatid mo na ako" 

tahimik lang si rowena habang asa byahe kami, may mga dala siyang gamit pero mas madami nagyon kung ano ung nadagdag ayun ang wala akong idea

"ibabaon ko to dun bert, babaon ko na din ung pag asa na babalik si mike" napatitig ako kay rowena sa sinabi niya, nanginginig din kasi ung boses niya, halata mong pinipigilan niya ung pag iyak niya

"malay mo bumalik pa si mike" iniwas ko ung tingin ko kay rowena dahil mukang kahit siya sa sarili niya hinde siya sigurado sa gagawin niya

"alam mo bert, kailngan ko na din to sa sarili ko, mahal na mahal ko si mike pero nakakaawa na ung sarili ko, masyado ng pagpapahirap ung ginagawa ko sa puso ko, simula kasi ng umalis si mike, parang huminto na din sa pag tibok to"

di na ako nag salita, hinayaan ko na lang siyang umiyak ng tahimik sa tabi ko, siguro nga kahit gano mo kamahal ung isang tao, dadating din ung punto na susuko ka, kagaya ko alam ko sa puso ko na sobra kong mahal si rowena pero eto ako, sinusuko siya.

pag baba ni rowena sa sasakyan, nag paalam na ako sa knya, ayaw din nman niya na ihatid ko siya kung saan siya parte sa beach na to pupunta.

mahal ko si rowena pero alam ko kailngan ko tong gawin, kagaya ni mike na duduwag din ako, pero hinde kagaya niya kasi alam ko na pinakita ko kay rowena kung gano ko siya kamahal, sadyang tangap ko lang talaga na kahit ako ung perfect ideal man niya, ung imperfect ideal man pa din niya ung nag mamayari ng puso niya

rowena's pov

inilapag ko lahat ng mga bagay na gusto ko sanang ibigay kay mike nung mga panahon na wala siya, talagang naipon na dahil sa tagal ng panahon na hinde nman siya dumating, wala din nman may alam kung nasaan siya kaya hinde ko din alam kung saan ko ipapadala lahat ng mga to.

aaminin ko nung mg apanahon na wala si mike, sinubukan kong ibaling ung paningin ko kay bert, pero kada gagawin ko un para kong niloloko ung puso ko, pinipilit kong maging masaya kahit alam ko naman sa sarili ko na, hinde iyun ang talgang mag papasaya sakin.

pero ngayon uu suko na ako sa pag iintay ko kay mike, pero hindeng hinde ko isusuko ung pag mamahal ko sa knya, iintayin ko pa din siya pero hinde na ako ulit babalik sa beach na to na wala siya, hinde ko na siya iintayin dito, kung babalik siya, alam nman niya kung saan niya kao pupuntahan, sapat na parusa na din siguro sakin ung 3ng taon sa kasalanan ko sa kanya

"oh dito lang kayo, kasi pag nasabahay kayo nalulungkot ako, iisipin ko na lang natangap kayo ni mike" sabi ko habang ibinabaon ko ung bracelet, kwintas, singsing na binili ko, sinama ko na din ung mga sulat na ginawa ko kada ma mimiss ko si mike

eto na ung huling araw na iitapak ko ung paa ko sa beach na to, aminin ko man at hinde alam ko sa sarili ko na umaasa pa din ako sa pag babalik niya, hinde nga lang gaya ng inaasahan ko na dito siya babalik kung saan niya ako iniwan.

pinag masdan ko ung buong paligid, hinayaan ko ung puso na alalahanin si mike at ako, kung gano kami kasaya nuong andito kami, kung pano ko napatunayan sa sarili ko na mahal ko pala siya, kahit napakalayo niya sa lalaki na matagal ko ng pinangarap.

 marahan akong natawa nung nalala ko na halos gusto niyang languyin ung buong dagat para lang mahuli niya ung mga talangka na kumagat sa kanya nun, kung pano siya nag mukang ewan na kakagulong dahil pumasok ung talangka sa loob ng pantalon niya, nakakatuwang balikan lahat un pero masakit isipin na tapos na un ngayon, at hinde mo alam kung kailan ulit un mauulit.

titig na titig ako sa araw habang palubog siya, para siyang pag ibig ni mike sakin, napakaganda niya, walang kapares ung kagandahan niya kung titignan mo siyang maige, pero kagaya din ng pag ibig ni mike, lulubog at mawawala ung araw, kahit pa gano siya kaganda.

pag lubog na pag lubog ng araw, tingal ko din ung mga luha sa mata ko, alam ko kasi ngayon na tangap ko na, na baka hinde na bumalik si mike, na baka nakita na niya ung tamang babae sa kanya, pero aaminin ko ayun ung pag aaralan kong tangapin sa puso ko, na baka wala ng mike na babalik sakin, sabagay hinde nman siya nangako sakin na babalik siya, sadyang umasa lang ako na mahal niya ako at babalik siya.

dahan dahan kong nilakad ung mga paa ko palayo sa beach, iiwan ko dito lahat ng masasamang alaala ko kay mike, pero babaunin ko lahat sa puso ko ung imperfect ideal man ko, kung pano siya naging perfect sa kabila ng mga imperfections niya.

"MASAKIT UN AH!!! LINTEK!" napahawak ako bigla sa dibdib ko nung narinig ko ung boses na un, kahit malayo na ako, at malayo ung pinang gagalingan ng boses alam na alam ko kung kanino un galing

"INTAYIN NIYO AKO!!! KUNG NAPALAGPAS KO KAYO DATI NGAYON LETCHE NDE NA!" kahit nakatalikod ako, at kahit pa ung ibang tao nag tatakbuhan na dahil nag sisimula ng umulan, ung mga paa ko na stock kung saan ako nakatayo, gustong gusto ng puso ko humarap pero parang walang lakas ung buo kong katawan

"KAHIT PA MALIIT KAYO! PAPATULAN KO KAYOOOOOOOOOOOO!" dahan dahan kong pinihit ung katawan ko para makita ko kung saan ng gagaling ung boses na un

pag tama ng mata ko sa isang lalaki na tumatakbo na parang kala mo may sira ang ulo dahil may hinahabol, biglang nag unahan tumulo ung mga luha ko, ung puso ko gustong gusto nang lumabas sa katawan ko dahil sa lakas ng kabog niya, 

para akong hihimatayinnung tumingin siya sakin, alam kong halos 15 na steps ung layo ko sa kanya pero kitang kita ko ung mga mata niya, bumalik na siya, binalikan niya ako, tama ako at nag intay ako, tama ako kasi hinde ako nainip kahit pa wala akong balita sa kanya, ramdam kong mahal niya ako kaya babalik siya, salamat at di niya ako binigo.

"mi---ke" mahina kong bulong

"OH ANO SANGGOL DI MO BA AKO TUTULUNGAN HULIHIN UNG MAGA KUMAGAT SAKIN?"

hinde na ako nag dalawang isip nung narinig ko ung "sanggol" tumakbo na ako kung asan ung taong nag mamayari ng puso ko

"bumalik ka" sabi ko sabay akap kay mike, sana sa akap ko na to naramdaman niya na sobra ko siyang namiss, e ano ngayon kung pinapanuod nila kaming lahat sa gitna ng ulan, wala akong pakielam bsta ang alam ko lang, akap ko na ung taong matagal ko ng inintay

"at nde na ako aalis sanggol"

alam kong hinde pa dito matatapos ung mga problemang dadating sa buhay namin ni mike, alam ko na madami pa kaming pag dadaanan, pero sa pag babalik niya sa buhay ko, alam ko sabay na kami ngayon lalaban kung ano man ung inihanda ng diyos na problema para samin dalawa......

-fin-

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

FINALLY NATAPOS KO DIN!!! SALAMAT PO SA MGA SUPPORTERS NA WALANG SAWA NA NAG VOVOTE SA STORY NA TO AT WALANG SAWANG NAG COCOMMENT, MARAMING MARAMING SALAMAT PO AT TALAGANG PINATABA NIYO NG HUSTO UNG PUSO KO, SALAMAT DIN PO SA SOBRA NIYONG PANG UUNAWA SAKIN SA DAMI NG ERRORS KO SALAMAT PO TALGA!!!!

THIS IS kawang_gawa SIGNING OFF

my imperfect ideal manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon