LUST 46

436 24 9
                                    







ilan buwan ang nakalipas ay wala na sila narinig na balita kay soonyoung. isang araw ay pumunta si jihoon sa dorm nila para kausapin sana ulit si soonyoung pero nakita na lang niya ang mga gamit nito ay wala na. hinanap niya sa mga kakilala niya pati sa mga ibang tao na malapit kay soonyoung pero kahit sila ay hindi alam kung nasan siya. si minghao naman ay hindi na rin niya mahanap at alam naman din niya na ayaw na siya nito makita.


"congrats wonu." bati ni jihoon sa kaibigan niya. ilan buwan ay natupad rin ang kasalan nila mingyu at wonwoo. ngumiti si wonwoo habang si mingyu ay hinahaplos haplos ang 5 buwan na baby bump ni wonwoo.



"thanks ji! may gusto ba siyang kainin?" ngumiti si jihoon na haplusin ni wonu ang baby bump niya.



oo.

buntis siya.

pero hindi si soonyoung ang ama.




"kakain pa lang namin nung sweet potato fries eh." sagot ni jihoon. bigla na lang nakaramdam ulit si jihoon ng lungkot habang pinalibot niya ang mata niya sa paligid.





"wala pa rin ako nakakalap na balita sakanya." agad na sinabi ni mingyu.



"kahit ako rin naman." sagot ni jihoon. hinawakan ni wonwoo ang kamay ni jihoon at pinisil ito.


"mahahanap rin natin siya jihoon." ngumiti si jihoon sa kaibigan at pinisil ang kamay rin nito bilang sagot.



kahit alam nila wonwoo at mingyu ang totoong nangyari sa pagitan nila jihoon at soonyoung ay hindi parin nagiba ang tingin nila kay jihoon. kaibigan parin ang turing nila sakanya na pinapasalamat ni jihoon. madami na tao ang tumalikod sakanya maliban kela mingyu at wonwoo. masasabi mo na totoong kaibigan sila kahit anong mangyari.





"jihoon." napalingon siya at nakita niya si seungcheol na nakatuxedo galing lang sa work nito. pagkatapos kasi na malaman ni jihoon na kapatid silang dalawa ni seungcheol ay hindi na pinatapos ni seungcheol ang pagaaral niya at tinuloy niya ang training niya sa kompanya ng ama nila ni soonyoung.



alam rin ng tatay ni seungcheol ang tungkol sakanilang dalawa. hindi niya ginusto pero wala na siyang choice dahil buntis na rin si jihoon. wala naman rin siya paki sa ama ni seungcheol dahil wala naman siya paki kay soonyoung. pero sino nga ba siya para magjudge kung pati rin siya ay sinaktan si soonyoung ng sobra sobra.





"congrats pala sa kasal niyo." ngumiti na lang ng onti si wonu habang si mingyu na nasa likod ni wonwoo ay blangko lamang ang expresyon.




"tara na?" tumango na lang si jihoon at nagpaalam na siya sa dalawang kaibigan niya.



naglakad na sila sa may parking lot at pumasok na si jihoon sa passenger seat. tahimik lang hanggang sa nagmaneho na si seungcheol papunta sa bahay nila. nakatitig lang si jihoon sa labas habang si seungcheol ay kwinekwento ang araw niya ngayon sa kompanya. hindi naman nakikinig si jihoon at nagtitingin na lang sa labas.




nung araw na nalaman ni jihoon na buntis siya kay seungcheol ay imbes na sumaya siya ay umiyak lamang ito sa loob ng kwarto niya. mas lumala ang guilt sa puso niya kay soonyoung dahil nagbunga ang pagkakamali niya kay seungcheol. nung araw na yun ay sana panaginip na lamang ang lahat lahat pero hindi. ang daming sana sa kanyang isip. sana hindi na lang siya nabuntis o kaya sana si soonyoung na lang ang ama ng sinapupunan niya pero hindi. ang mas masakit ay alam niyang hinding hindi si soonyoung ang magiging ama ng bata.


unti-unti nagtutubig ang mata ni jihoon. miss na miss na niya si soonyoung. damn. walang araw na hindi niya namimiss ang binata. kahit na sapilitan siya may relasyon kay seungcheol ay hindi parin mawala sa kanyang isip si soonyoung.








sa pagpatak ng tubig sa bintana ay nakita niya sa labas na nagsisimulang umulan. tumigil ang kotse dahil na rin sa signal sa traffic lights. mga tao na dumadaan sa pedestrian line pero agad tumigil ang lahat ng makita ni jihoon ang pamilyar na tao na may hawak na payong.





hinawakan ni jihoon ang bintana habang tumulo ang mga luha niyang gusto na bumuhos.


he mouthed." soonyoung."







he still looks the same but there is something that changed from his aura. wala na ang pait at lungkot sa mukha niya. walang wala na. agad na sana tatanggalin ni jihoon ang seat belt niya at bumaba para salubungin si soonyoung...





pero...






may sumalubong kay soonyoung at hinalikan ang labi nito. sumilong rin siya sa payong ni soonyoung at sa pag andar ulit ng sasakyan ay nasasabayan nila yung paglakad nilang dalawa sa ulan. ang saya saya nilang tignan.







nakalayo na rin sila jihoon hanggang sa hindi na niya napansin na nakarating na sila sa bahay. "tara na." sabi ni seungcheol.





"s-sige sunod na ako." nauutal na sinabi ni jihoon. hindi na nagprotesta si seungcheol at nauna na rin siya lumabas at pumasok sa bahay nila.





nang makita ni jihoon na wala na si seungcheol sa labas ay nagsimula na itakip ang mukha niya at umiyak ng sobrang lakas. hinding hindi parin makalimutan ni jihoon ang ngiti sa labi ni soonyoung. yung ngiting lagi niya nakikita noong sila pa. yung klaseng ngiti ni soonyoung na para lang sakanya ay ngayon nabibigay na niya sa iba.




pero ang masakit na malaman niya kung sino ang kasama niya.





"minghao paano mo nagawa saakin to."




•••
few chapters
left 🥺

love lust | soonhoonजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें