Chapter 22 - Fake it until you make it.

Comenzar desde el principio
                                    

She’s so lucky to have Montefalco as her guy. So lucky.

I shook my head. “Kakadating ko lang. Pasok na kayo.” Tumalikod na ko para hindi na nila makita yung mga luhang nagbabadya na namang kumawala sa mata ko.

Pagpasok ko ay agad akong kumuha ng lata ng beer sa ref.

“Beer? Di ka pa nga kumakain mahal na prinsesa.” Salubong ni Julian paglabas ko ng kitchen. Nakita kong kompleto na sila sa lamesa. The rest house’s really beautiful. Kompleto din lahat dito. At para siyang luma pero classy parin.

I shrugged. “Busog ako. Labas lang ako.” Sabi ko.

Julian stood up. “Samahan na kita. Mamaya nalang ako kakain.” Aniya.

I shook my head. “Wag na. I can handle myself Julian.” Sabi ko bago ako tuluyang lumabas. Narinig ko pa yung pahabol na sigaw ni Meg.

“Bonfire mamaya!”

Naglakad lakad ako sa tabi ng dagat. Hugging myself and letting me feel the cold breeze of the air. November na kaya naman malamig na.

I stopped my tracks. Nakatingin ako sa dagat at hindi ko maiwasang hindi maiyak.

Im really really stupid. How can I fall for Montefalco? Bakit ako nahulog?! Damn shet Gabby! Ang tanga mo talaga!

I fell for him, what a stupid mistake that turned out to be.

Masakit. Sobrang sakit. I was too late. Huli ko nang nalaman yung nararamdaman ko para kay Montefalco. Sabagay, hindi mo naman madidiktahan yung puso mo. Basta mararamdaman mo nalang.

Ang sakin ay naramdaman ko nung panahon hulog na hulog na ko. At nakaahon na siya.

Too late.

But hey, what difference does it make, right? Hindi naman ibig sabihin na kung mas maaga kong nalaman ay magiging kami. Hindi naman ganun yun.

I need to be tough.

Pagbalik ko ay nagsstart na silang magbonfire. Agad akong ngumiti ng malawak. Fake it until you make it.

Julian grabbed me and let me sit beside him.

“San ka galing?” Tanong niya.

I shrugged. Hawak ko parin yung beer sa kamay ko pero ubos ko na yung laman nun. “Naglakad-lakad. Feeling emo with 0 others.” Natatawa kong sabi.

Go Gabby! Push mo yan! Tawa ka lang.

Bahagya siyang natawa. Kinuha niya yung bote ng beer sa kamay ko at inabutan ako ng isa pa. Kumuha din siya ng para sakanya. “Oh ayan feeling emo with 1 other ka na.” Natatawang sabi niya. Nakitawa din ako sakanya.

Sana kaya kong ibaling yung nararamdaman ko sa iba. Sana pwedeng ganun noh?

It’s painful when you’re inlove with someone who doesnt love you back. But what’s worst is when you are inlove with someone who used to love you.

Wait, hindi naman niya sinabing minahal niya ko diba? May naramdaman lang siya para sakin. Maybe he liked me. But not as much as he love Angel.

“Shot and dare!” Sigaw ni Azi.

Meg then grabbed an empty bottle. “Lets do this.”

Tequila yung shot. At body shot ang gusto nila. So ang mechanics, pag tinapatan ka ng bote, magbobody shot ka muna sa kung sinong gusto mong kabody shot at tsaka mo gagawin ang dare.

Unang ikot palang ay kay Montefalco agad tumapat. Binigyan siya ni Azi ng asin at lemon. “This better be easy, Gab. Just shout ‘I love you’ and the name of the girl you love after the shot.” Ani Azi.

Tumingin siya sakin bago siya humarap kay Angel. He placed the lemon in between Angel’s lips. Tapos ay sa may leeg naman niya nilagay ang asin. Nakita ko kung pano dumampi ang bibig niya sa leeg ni Angel. Marahang napapikit si Angel tapos ay ininom ni Gab ang shot sabay subo ng lemon sa bibig ni Angel. But that didnt stopped there. Naghiyawan ang lahat dahil after kunin niya kunin ang lemon ay hinalikan niya ng mariin si Angel.

I felt my heart sank. Fake it Gabby. Damn fucking fake it!

Matapos ang ilang minuto ay agad siyang tumayo at sumigaw ng pagkalakas lakas. “I LOVE YOU ANGEL SANTILLAN!”

Nagumpisa na uling umikot ang bote kaya nagpatuloy ang laro. They’re laughing and cheering dahil si Meg at si Paolo na ang magbobody shot.

“I LOVE YOU ANGEL SANTILLAN!”

 

Paulit ulit yun sa utak ko. Paulit ulit yung sigaw niya. At paulit ulit ding sinasaksak yung puso ko.

Naramdaman ko yung mga luhang nagbabadyang bumagsak. I blinked my tears away. I grabbed Julian and kissed him hard. Damn! I need alot of distractions. I need to get this out of my head.

“Woah woah easy twin!” Sabi ni Azi after maghiwalay ng labi namin.

Napangisi si Julian. “Aggressive ang mahal na prinsesa.” Aniya.

Napatingin ako kay Montefalco pero wala siyang paki. Nakatoon lang ang pansin niya kay Angel. Niyakap niya si Angel at marahang hinalikan ang noo neto.

Damn shet!

Napatingin ako sa bonfire. I shouldnt be feeling this. Damn shet! Damn! Everything about what Im feeling is wrong. Every damn little thing.

 

My Little BratDonde viven las historias. Descúbrelo ahora