Maraming tao hate ang morning. At isa na ako doon. I really really reallllyy hate morning. Lalo na't gigising ka ng maaga at mag-sasaing, magluto ng pagkain para sa lunch break, at mag-prepare pa sa lamesa. Oh akala niyo mayaman ako? Malaking HINDI. May kaya lang at kontento na ako sa kung ano ang meron ako. Hindi naman ako reklamadora tulad ng iba. Pangarap kong maging mayaman kaya pinagbubutihan at pinag-iigiran ko talaga ang pag-aaral ko para makapagtapos ako.
And then when I finished highschool, college naman ang aabalahin ko. Triple ang gastusin lalo na't by semester ay may bayad ito. Kaya magiging working student ako. Ok lang naman dahil gusto ko naman magtrabaho eh. Kahit anong trabaho kukunin ko. Lalo na't si papa lang ang nagtatrabaho para saming magkakapatid. Minsan nga naaawa na ako sa kanya dahil palaging pagod at sakit ang dala ng katawan niya pag-uwi niya sa bahay. Isa siyang empleyado sa sikat na kompanya. Buti nga at nakuha siya.
Malaki-laki naman ang sweldo niya. Pero hindi ko siya inaabuso na kapag may project kami ay agad akong lalapit sa kanya at hihingi. Pero kung malaking pera ang kailangan ay shempre hihingi talaga ako, hindi kaya ng baon ko. Kung maliit lang ang kailangan hindi ay ako humihingi dahil nakakahiya. Buti sana kung may trabaho ako eh. Tas ako na lang ang bubuhay sa mga kapatid ko para hindi na maghirap pa si papa. Halata naman siguro na ako yung panganay.
Hanggang second floor ang bahay namin pero hindi natapos dahil kulang sa budget. May kisame kami pero plywood lang, hindi rin nakulayan ang pader namin, buti na lang at medyo konte ang gamit namin. Sa ground floor ay 2 ang kwarto, dyan si papa at ang lalaki kong kapatid. Sa ibabaw naman ay 2 rin, ako at ang si pinakabunso.
Anyways, pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay bumaba na ko na may nakasabit na suklay sa buhok ko habang hawak na hawak ang bag ko.
Natapos ko na kasi lahat, ang pagsasaing ko at ang pagluluto para sa lunch nila kaya agad ko silang tinawag at naligo agad ako.
Dali dali akong pumunta sa hapag-kainan.
"Oh anak nandyan ka na pala. Kumain ka na rito." bungad ni papa sakin habang nagbabasa ng dyaryo. Nagmano ako sa kanya at umupo sa tabi ni Auldrean— first year highschool na siya at siya ang bunso.
"Morning ate." bati niya sabay ang paghikab. Binati ko rin siya pabalik at nagsimula ng kumain. Alas sais kinse na ng umaga. Napatingin ako sa bakanteng upuan. Sa kanang katabi ni Auldrean.
"Nasaan si Arix?" tanong ko. Napaikot naman ng mata si Auldrean.
"Malamang nagpapagwapo na naman sa crush niya." napataas ako ng kilay. Nagpapagwapo? Crush? Bakit? Sino ba crush ng bansot na yun? Oh, okay kilala ko na.
"Hindi ako nagpapagwapo." napatingin ako boses na nanggagaling sa silid na tinatakpan ng kurtina. Hinawi niya ito at bumungad ang mukha ni Arix na napakapangit. Char lang gwapo naman itong kapads ko kaso nga lang hindi palasalita. Sa school lang naman pero dito sa bahay, damay niya pa si Vice sa sobrang kulit at palasalita.
"Ohweh? Di nga? 'Bat hinawi mo yung bangs mo sa gilid? Para maattract lalo crush mo?" panunukso ni Auldrean sa kanya. Napailing ako. Ang mga batang to, napakabata pa sa pag-ibig. Buti na lang hanggang crush-crush lang.
"Really Aud? Kung sabihin ko kaya sa kanila na may pictu—" agad napatayo si Auldrean at saka mabilis pa sa alas-kwarto ang pagtakip ng bibig nito kay Arix. Pinanliitan ko naman sila ng mata. Sabihin daw. Sabihin samin ang ano? Siguro na may picture si Aud at ng crush niya. I rolled my eyes. Normal lang naman yun. Kahit wala silang plano na sabihin sakin ay aalamin ko pa rin.
"Sige sabihin mo. Ibubulwag ko rin ang kalaswahang ginawa mo kay Ele—" tas tinakpan rin ni Arix ang bibig ni Auldrean. Oh sige, takpan niyo ang bibig ng isa't isa. Nagkatinginan kami sa isa't isa ni papa. Napatawa nalang siya at nagkibit balikat na lang sabay balik sa pagbabasa siya sa dyaryo. May hint ako kung sino ang tinutukoy ni Aud. Si Eleen. Siya ang tinutukoy ni Aud na crush ni Arix. It was only an accident, at anong sinasabi ni Aud na kalaswahan? Kalaswahan ba ang accidentally na pagkiss sa cheek? I saw though. Sorry naman, hindi ako chimosa noh. Sadyang gusto lang siguro ng tadhana ipakita sakin 'yon.
YOU ARE READING
Decoding Secrets
RandomNormal lang namumuhay ang isang Ashlyn Gomez. Until one day, bigla na lang siya napasabak sa isang sitwasyon. Isang sitwasyon na ayaw niya pero kailangan niya itong gawin kundi mapapahamak ang pamilya niya. S: 011020 E: -----
