TLGMMBG ♕33.2

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang araw basta na lang naging moody si Chase.

Napapadalas na naman ang pakikipag-away tapos basta na lang nagagalit sa mga maliliit na bagay, naging lasenggero pa.

Minsan, naisip ko na ngang sabihin sa kanya kung nasan si Sam dahil sabi sakin ni Derick kaya daw nagkakaganyan si Chase eh dahil kay Sam. Ayoko naman na maging ganun na lang kadali kay Chase ang lahat gayung alam kong mas maraming pinag-daanan si Sam.

Oo na! Alam na alam ko na contract ang lahat sa kanila, na dahil lang sa DEAL nilang dalawa ang lahat. Pero bakit ba kasi napaka-torpe ni Chase?!

Bakit ba kasi hindi niya magawang aminin na gusto na niya si Sam gayung sa tingin palang niya alam ko naman na may something na.

Yung mga sweet gestures niya na yun alam na alam ko na nung una palang na iba na. Pero bakit nga ba napakabagal niya?!

Kahit sabihin nating galit ako sa kanya, sa kanya ko pa rin gustong mag-end up si Sam dahil nakita ko kung gaanong alaga ang kaya niyang ibigay sa kaibigan ko.

Pero sa ngayon?

Bahala muna siyang magsuffer, sabi ko sa sarli ko. Hinding hindi ko sasabihin sa kanya kung nasaan si Sam hangga't hindi niya kayang aminin sa sarili niya kung ano ang totoong nararamdaman niya.

Hangga't hindi niya matanggap na nagmamahal na siya, at kaya na niyang ibigay sa isang babae ang buo niyang tiwala.

Sa mga sumunod na araw, wala pa ring pinagbago si Chase. Same routine, same kalokohan, back to being the miserable side of him.

Laging nasa bar, nakikipag-suntukan, nagbabasag ng mga gamit, nambabasag ng mga salamin ng kotse.

NAGHAHANAP YATA TALAGA NG SAKIT NG KATAWAN SI LOKO EH. Eh kung bigwasan ko na lang kaya para matauhan?!

Ang sakit na sa mata ni Chase pero hindi ko pa rin masabi sa kanya ang lahat.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon