walang titulo
Para sa mahal kong nagmahal na ng iba,
Mahal kamusta ka na? masaya ka na ba?
Masaya ka na bas a piling niya?
Masaya ka na ba dahil hawak niyo na ang kamay ng isa't – isa?
Masaya ka na ba sa mga bisig niya?
Mukhang masaya ka na nga
Dahil nakita ko na yung ngiting sa akin mo lang pinapakita
Ang mga ngiting sa akin lang noon, ngunit ngayon nasa kanya na
Huwag ka mag alala, pinipilit ko na rin maging masaya.
Pinipilit kong maging masaya para sa inyong dalawa,
Pinipilit kong maging masaya kahit masakit na,
Pinipilit kong maging masaya kahit ang mga luha ay kusang bumabagsak na
Pinipilit kong maging masaya dahil alam kong masaya ka na.
Mga ngiting pilit na ipinapakita,
Kahit sa likod nito ay ang mga luhang balde na.
Pinakilala mo ako sa kanya,
Pinakilala mo ako bilang isang kaibigan lang pala.
Nakalimutan ko na
Akala ko sa loob ng ilang buwan ako na
Akala ko na sa tuwing ika'y nasa tabi ko,
Akala ko na ang pipiliin mo
Mahal andito ako oh,
Lagging nandito para sayo
Ngunit hanggang kaibigan lang pala
Sana pala nung una hindi na umasa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
biglaang pagsulat dahil sa naramdaman ko kahapon hahaah sana nagustuhan ninyo :))
YOU ARE READING
Unspoken Word Poetries
Poetryang mababasa niyo po dito ay puro hugot poetries na gawa ko kaya support niyo po tong book ^____^