My eyes widened. Napatakip din ako sa bibig ko na para bang maririnig niya pati ang paghinga ko.

He chuckled while the cat is meowing.

Maghintay ka lang ng kaunti, Yohan. Aalis din siya, hindi ba? It's still 3:40pm. What if he'll wait until 4pm so he could meet with me? Are you kidding? Alvaro won't wait for me!

"Maghihintay ba tayo dito?" he said and chuckled again while the kitten is meowing.

Kinagat ko ang labi ko at kumunot ang noo. Hindi naman siguro siya maghihintay, 'di ba?

"Kumain ka na ba?" hindi ko alam kung may kausap ba siyang iba ang kuting pa rin iyon.

Tanging ang ngiyaw lang ng kuting ang sumagot. May kasama ba siya? Walang ibang sumagot kaya baka nga ang kuting ang kausap niya.

"Araw araw ka bang nililiguan?"

Napakurap-kurap ako at naisip na sobra naman yata iyon. Hindi ko alam kung may mga nag-aalaga bang araw-araw na nililiguan ang kuting pero kung ako ang mag-aalaga, hindi.

I suddenly regret writing that letter without any information about these things!

"Hmm. At isang beses ka lang ba kakain sa isang araw?"

My lips parted and thought of what he just said! Isang beses! Puwede pero marami siguro dapat ang ipakain? At dahil kuting pa, baka kailangang tatlong beses siya sa isang araw pakainin!

I imagined Kuring becoming more malnourished in his care!

"At gatas lang ang kailangan mo hanggang tumanda, hindi ba?"

Pumikit ako ng mariin at naiisip na hindi magtatanggal ang buhay ng kuting sa puder niya!

Slowly... very slowly, I let my eyes take a peak at them. Hoping against hope that he's talking to someone else, not the kitten. Kahit pa alam kong malabo iyon at talagang ang kuting ang kinakausap niya!

I saw him holding the kitten in his arms and his eyes lifted. Nagkatinginan kami saglit at sa kaba ko'y nagawa ko pang magtago ulit kahit pa alam kong nakita niya na ako!

Pumikit ako ng mariin at sa huli bumuntonghininga.

"Ba't ka nagtatago?" he asked.

Kasabay noon ang pagpapakita ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya kasi nabuking niya pa ang pagtatago ko!

"Uhm..." I smiled awkwardly. "W-Wala lang. Akala ko kasi kukunin mo na kaagad."

His lips pursed and continued petting the cat. "Kukunin ko nga agad. Pero ang sabi mo rin iaabot mo."

But then I thought... he didn't like me doing that. Imbes na sabihin iyon, lumapit ako para matingnan ang box. Iniisip ko ang sulat at kukunin ko iyon bago niya pa makita.

Ginawa ko lang naman talaga iyong sulat dahil iniisip ko hindi na ako makakapagpasalamat pa dahil hindi naman magpapakita. Ngayong nagkita na kami, puwede na akong simpleng magpasalamat. Ayaw ko nang basahin niya pa iyon.

Hindi ko alam kung nakita ko ba ng buo na wala na roon ang sulat o masyadong mabilis ang galaw niya't nilagay niya agad ang kuting sa box, pero wala na akong nakita. Naroon na rin ang tuwalya niya.

"Hindi mo na dapat ibinalik pa 'to," aniya sabay baling sa akin. Hinahawakan niya na ang box ngayon na sinisilip ko pa para sa sulat.

"Ah, hindi ko kasi nagamit at nalabhan ko kaya iniisip ko puwede pang ibalik. Sayang gamitin dahil puti at maganda pa naman."

He smirked a bit and looked at the kitten. Puwedeng magpasalamat na at umalis na pero naisip ko ang mga sinabi niya kanina.

"Uh, hindi naman kailangang araw-araw maligo ang mga pusa," sabi ko kaya napabaling siya sa akin.

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz