Dedicated to Adriyana Josefa este Adrian Joseph Ybarra pala. hehe Baklaaaaaaaa. :** at sa nag-iisang partner ko in all types of crime nung highschool. TAGIIIII Analyn Villagonzalo Tampus.
V.FOURTH YEAR HiGHSCHOOL
Blue ID :)
Matured enough. Ang dating classmates mo lang ay tinuturing mo ng kapatid sa ibang nanay.
Ang totoy at inday noon, ganap na ate at kuya na.
Ang tagasunod noon, tagapayo na!
Masarap sa pakiramdam ang makatungtong sa 4th year. Damang-dama na ang katapusan ng hirap. Ang thoughts na ‘Konting tiis at ikot nalang ng kalendaryo, tapos na din ang kalbaryo!’
May usaping Love pa din naman, di na yan mawawala once naumpisahan ee. Pero priority na sa mga panahong ito ang tiyaga at konting tiis para maging kabilang sa candidates for graduates.
Sa time na ito, ang lahat ng ugali mo ay mailalabas mo na. Last na ee. Kaya lubos-lubusin na. Kaya lang may limitation pa din.
Reatrets. GetawaySeminars. PromNight. Advance Exam.GraduationBall. Mga bagay lang na nagpapadagdag excitement sa isang fourthyear student dahil alam nating sa panahong yan, TAYO ANG BIDA!
Sa kalagitnaan pa lang ng taon-Entrance exam sa iba’t ibang college Universities na ang focus. Option courses ang pinagkaka-abalahan. Pabonggahan ng napiling school atbp.
Nakakatawa na nakakainis lalo na’t sa sarili mo ay wala ka pang idea kung saan o kung makakapag-aral ka pa kaya sa college. Pero sabayan lang yan ee.
EXCITEEEEEEEEEEEEEEEED.^___________^ Walang mapaglagyan! Excited sa College. Excited sa Course.
Prom Night. Ang ganda ko este ang ganda at gagwapo talaga ng mga Juniors and Seniors. Ladylike at Manlike na talaga!
Ngunit damage naman ang mascara at eyeliner pagdating nung speeches. Langyaa, nakakaiyak din pala ang Prom Night. T_T Mula sa dadak ni Mam at Sir advicers hanggang sa mga Class Prophecy at iba pang ek-ek, grabe walang mapaglagyan din ang uhog. Nakakaiyak na nakakatawa!
Hanggang sa sasapit nalang ang March.
Buwan kung saan ang pagiging excited ay napalitan ng matinding, matinding KALUNGKUTAN!
Di na regular ang klase. Wala ng projects at homeworks. Maaari na ding di magdala ng bag.
Kung iisipin, isa itong malaking PAGSASAYA dahil sa wakas wala na tayong iisiping subject ngunit ang totoo..pagkaumay at pagkamiss lang ang mararamdaman natin.
Yung tipong sa laki ng free time niyo di niyo mamamalayan na nag-eemote nap ala kayo. HA.HA.HA ? Di mo mapigilang tingnan isa-isa ang mga klasmet mo na nakasama sa apat na taon. Iikutin mo nalang ang kabuuan ng campus at ibubulong sa sarili na ‘Mamimiss ko ang lugar na ito, SOBRA! T_T’
Senti-sentihan. Emo-emohan ang peg mo. :(
Ang malala pa dito, ang bilis mahawa ng iba. AMinin niyo pag nakita niyo yung isa sa inyo na malungkot, damay-damay kayo at halos lahat nalang ngangapa. T_T Walang kasarian sa taong malungkot.
Masusurprise ka nalang na may biglang yayakap sa iyo at bubulungan ka ng “bes..*sniff* mamimiss kita.” TT__TT
Mashoshock ka nalang sa mga maririnig at makikita mo. Na yung least na ini-expect mo , na kahit di mo gaanong kaclose ay bigla ka nalang e-aaproach at sasabihin: “Uy. Thank you ha. Thank you for being part of my highschooldays. Mamimiss kita kahit sa kabila ng di natin masyadong pag-uusap!”
YOU ARE READING
Mga Ala-ala nung Highschool (Random)
HumorPeople say high school is about getting an education and getting into a good college to succeed in life. Well, to me, high school is about making memories and good times that will last forever.
