CHAPTER 29: INDIFFERENCE...IN DEFERENCE

780 26 9
                                        

SCENE 60

ASIAN MEDICAL AND HEALTH CENTER

Monday

7:45 A.M.

 

Doreen:                               Ano ang nangyayari sa inyong dalawa ni Max, Asher?  May problema ba kayo?

Doreen bluntly asked Asher as they waited for the elevator in the lobby of AMHC.  The hospital was not yet busy of visitors and the two of them were the only ones waiting for the elevator.

Doreen’s question caught Asher off-guard.  Asher spared Doreen a wary look before answering…

  

Asher:                   Problema?  Kaming dalawa ni Max may problema?  Wala.  Wala kaming problema ni Max, Doreen.

Doreen:                  Really?  Wala talaga kayong problema ni Max?  Paki paliwanag mo nga sa akin Asher kung bakit kayo nag-iiwasan sa isa’ isa ni Max.

                                Kasi nitong mga nga nakaraang araw ay napapansin ko lang naman na kung hindi rin lang talaga kailangan ay hindi ka lalapitan o kakausapin ni Max.  Ni ayaw nga niyang mapalapit sa iyo.  At kung ganoon si Max sa iyo ay ganoon din ka rin naman sa kanya.

                                Both of you are giving each other the cold shoulder…to put it bluntly Asher.

An irritated Doreen explained as they entered the elevator.

Asher let out a nervous laugh and said…

  

Asher:                   Ano na naman ba ang pumasok diyan sa isipan mo, Doreen?  Gumagana na naman ang imagination mo.

                              Wala talaga kaming problema ni Max.  And for your information, hindi kami nag-iiwasan sa isa’t isa.  Siguro pareho lang kaming masyadong nag-aalala kay Tito Miguel kaya hindi namin nabibigyan ng pansin ang isa’t isa.  Parehong naka-focus ang attention namin kay Tito Miguel.

Doreen:               Hmmmph!

                            Kung talagang nag-aalala lamang kayo kay Tito Miguel, hindi ba mas dapat na kayong dalawa ang mag-damayan sa panahong ito?  Mas ngayon ninyo kailangan ang bawat isa.

                            Pero sa tingin ko at sa paningin na rin ng iba, mas gusto mo pa ang damayan ka ni Lance o kaya ni AZ kaysa ni Max.

                             At parang balewala lang ito kay Max.  Parang walang pakialam si Max kung si Lance o AZ ang mas gusto mo na kasama.

                             May tanong lang ako Asher.  Sino ba talaga ang nobyo mo? Si Max hindi ba?  Hindi si Lance.  At hindi rin si AZ.

A more annoyed Doreen hissed.

Asher tried to make light of the tensed situation by teasing…

 Asher:                   Alam mo Doreen hindi ko alam kung ano ang mga kinakain mo kung kaya’t napaka-fertile ng imagination mo.  Masyado mong binibigyan ng kahulugan ang mga inaakala mong hindi magandang namamagitan sa aming dalawa ni Max maski sa katotohanan ay wala naman.

THE POPSTAR PRINCESS AND THE BODYGUARDWhere stories live. Discover now