Throwback No.3

8 0 0
                                        

"Haynako di talaga ko papayag na yung emo na yun yung soulmate ko. Uulitin ko ulit ngayon. siguro naman merong nakagreen dito na gwapo." paghihimutok ni Jasmine. 3rd day na ngayon ng pagiging highschool namin at so far ayos naman pati mga teachers.

"Hahaha! wag kang madaya." Monic

"Oo nga tanggapin mo nalang na si Emo yung soulmate mo. HAHAHA!"

"Grabe ka Aless ha. Porket gwapo yung natapat sayo e sayo din Monic. Unfair."

"Sige na sige na. Pagbibigyan ka namin pero last na yan. Walang dugaan hahaha!" Monic

"Yeah right whatever."

Vacant namin ngayong hapon kaya nakatambay lang kame nila Monic sa shed. Naghihintay ng malalait at ng soulmate 'kuno' ni Jasmine.

"Guys wala daw tayong klase sa TLE ngayon bukas nalang daw." sabi ni Tony na classmate namin. Gwapo siya pero mukang manyak.

"Yes!" sigawan ng mga kaklase namin na nakatambay lang din. Napuno ng hiyawan at tawanan namin yung shed kaya napagalitan pa kami ng teacher sa tapat.

"Ano lakad muna tayo tas punta tayong plaza meryenda tayo?" Suggest ni Jasmine.

"Kuu gusto mo lang mahanap yung soulmate mo e hahahah!" pangiinis naman ni Monic.

"Libre ko." magic word na alam ni Jasmine na hindi namin matatanggihan.

"Tara na ano pang hinihintay nyo?" nagmamadaling sabi ni Monic. sabi na e basta libre gora agad.

"Atat lang sa libre te? di ba pwedeng nagretouch muna tayo?"

"Nako Jasmine di na namin kaylangang magretouch ni Aless. Matagal na kaming maganda diba Aless?"

"Hahaha. Oo naman. tara na Jas wag kanang masyadong magpaganda para sa soulmate mong si Emong ayun nga oh kanina kapa tinitignan. Hahahaha!"

"Like duh?! Sa ganda ko nato kay emong lang babagsak beauty ko? Never."

"HAHAHAHA" tawa pa namin ni Monic.

"Tara nanga. Fishball nalang lilibre ko tutal binubwisit nyo lang naman ako."

"Eto naman parang binibiro lang e. Tara nanga ng mahanap na natin yang soulmate mong gwapo." Monic

3:30 palang ng hapon kaya mainit init pa lakad namin. Ang hilig kasi maggala ng mga to e. Naisipan namin na sa isang Coffee shop kumaen. Shake lang tsaka pizza inorder namin para naman lumamig ulo ni Jasmine.

"Grabe wala talagang nakagreen ngayong araw nato?"

"Wait kalang dyan dadaan din yon."

"Palubog nanga araw wala padin e."

"Kasi nga si emong talaga soulmate mo hahaha."

"Ah ganon sige ikaw magbayad ng inorder mo ha?"

"Joke kang eto naman. Malapit na yun baka naharang lang ng mga bakla sa sobrang kapogian."

Nagiinisan na naman po silang dalawa. What's with that soulmate ba? e ang babata pa naman namin. Hindi naman totoo yun.

At kung magkakaboyfriend man ako siguro sa college nalang. Sakit lang yun sa ulo e.

"Ayan te!"

Nawala ako sa pagiisip ng biglang sumigaw si Monic kaya napatingin samin ibang mga estudyante sa coffee shop.

"Ano ba yan Monic! Bigla bigla kang sumisigaw dyan buti di ko nabuga yung shake sa mukha mo sayang!"

"Shunga tignan mo kasi yung nakagreen ayun oh naglalakad sa labas!"

"OW EM GEE! Siya nga yung soulmate ko! Gwapo siya maganda ako, PERFECT!"

"I told yah natraffic lang yan. Waiter isa pangang Chocolate shake for take out ha."

"Grabe ka naman Monic ikaw na magbayad nyan ha."

"Hoy Jasmine kung hindi dahil sakin hindi mo naman yan makikita e."

"Oo na. Ikaw Aless gusto mo din ba magtake out?

"Ah hindi na. Busog nadin ako."

"Tara lapitan natin si kuyang nakagreen." Monic

"Errr? neheheye eke ene be."

"Kadiri Jas ah magtigil kanga." Monic

Grabe talagang maginisan tong dalawang to. Sa huli hinabol namin si kuyang nakagreen bigla kasing nawala e. Naabutan din namin siya at talagang kinuha nila Jasmine yung name at number niya. Genesis pangalan ni koya. Bagay sa gwapo ah.

"Amm. Uuwi kanaba Genesis?"

"Hindi pa may hinihintay pako- Oh Luke andyan kana pala."

Si Luke? Umaano siya dito?

"Ah guys siya nga pala si Luke classmate ko."

"Kilala namin siya diba Aless?" Siko sakin ni Monic na kinikilig kilig pa.

"Ah oo kachurch ko siya."

"Ah so magkakilala pala kayo."

Tumango lang bilang pagsangayon si Luke.

"So una na kame ha may gagawin pa kasi kameng assignment e." paalam ni Genesis

"Oo sige ingat kayo text nalang ha?" Jasmine

"Sure. Bye!" paalam ulit ni Genesis at saka umalis na.

"Ano kaba Jas di kaman lang nagpakipot. ikaw pa nagsabing text text."

"Monic wala kang pakealam. atleast sakin lumelevel up. E ikaw, nganga!"

"Just wait and see. o Aless bakit natahimik ka jan?"

"Ha? wala. Bakit?" Di ko napansin na natahimik pala ko. hindi ko din alam e. Sa busog siguro.

"Oyyy nakita niya ulit si soulmate. yihieee!"

"Ano kaba Monic di naman totoo yang soulmate soulmate na yan e."

"E bat namumula ka? siguro crush mo si Luke no. yieeee"

"H-hindi no! Masakit lang ulo ko ang init kase e."

"Ideny mo pa sige hahahaha."

"Alam mo Aless bagay naman kayo ni Luke e. Ayaw mo ba sa kanya?" Jasmine

"Hin- tara na nga umuwi na tayo baka hinahanap nako sa bahay e."

"Oo nga patay nako neto kay mama" Monic.

June 8, 2006

Dear Diary,

Nakakapagod tong araw nato dahil sa gala namin kanina. Masaya naman dahil nabusog ako sa treat ni Jasmine :) Nameet nadin niya yung 'soulmate' daw niya. Gwapo si Genesis at mukhang mabaet naman. grabe lang sila Jasmine dahil kinuha pa nila yung number nung guy. Nakakahiya kaya yon.

Natyempo naman na nakita din namin si Luke na classmate pala ni Genesis. Nakasilay ako kay crush. Pero secret lang natin to ha. mas gwapo pala siya sa malapit. kanina ko lang kasi siya nakita ng malapitan.

Nakakakilig isipin na si crush pa yung natapat na 'soulmate kuno' na pauso nila Monic. pero di padin ako naniniwala sa soulmate na yan. tsaka imposible naman na soulmate ko si Luke e ang gwapo kaya non. Kaya lang tahimik tsaka masungit. basta di ako naniniwala sa soulmate. Never. Goodnight Diary. Bukas ulit masakit na talaga ulo ko -.-

ThrowbackWhere stories live. Discover now